RIP Mahal agad na nag-trending, bumuhos ang pagdadalamhati at pakikiramay ng netizens

RIP Mahal agad na nag-trending, bumuhos ang pagdadalamhati at pakikiramay ng netizens

- Pumanaw na ang komedyanteng si 'Mahal' ngayong Agosto 31

- Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Irene Tesorero sa pamamagitan ng isang ng Facebook post

- Minuto lamang ang lumipas mula nang makumpirma ang nakalulungkot na balita, naging trending na ang #RIPMahal sa Twitter

- Bumuhos ang pakikiramay at pagdadalamhati ng mga taong minsang napasaya ng komedyante

- Inalala rin nila ang pagbisita pa nito sa kaibigang si Mura na nasa Bicol na iyon na pala ang huling pagkikita ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sumakabilang na ang komedyanteng si Mahal sa edad na 46 ayon sa kapatid nitong si Irene Tesorero.

Nalaman ng KAMI na nagpost ang naturang kapatid ni Mahal at sinabing pumanaw na ang aktres na nagpasaya sa maraming Pilipino.

Sinabing COVID-19 ang naging sanhi ng biglaan nitong pagkamatay gayundin ang gastrointestinal illness na dala ng komplikasyon ng virus.

Read also

Mura, hindi makapaniwala sa pagpanaw ni Mahal; "Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam"

Ilang minuto lamang mula nang makumpirma ang pagpanaw ng komedyante, dumagsa na ang pakikiramay at pakikidalamhati ng netizens.

RIP Mahal agad na nag-trending, bumuhos ang pagdadalamhati at pakikiramay ng netizens
Si Mura kasama ang namayapa na niyang kaibigan na si Mahal nang bisitahin siya nito kamakailan (Photo credit: Mygz Molino YouTube channel)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad din na nag-trending ang #RIPMahal at #RestInPeaceMahal sa Twitter.

Inalala kasi nila ang nagawang kabutihan ni Mahal para sa kanyang kaibigan na si Mura na dinayo pa niya sa Bicol upang maabutan ng tulong at makumusta ang kalagayan nito.

Marami ang lalong nalungkot dahil iyon na pala ang huling pagsasama ng magkaibigan.

At sa huling mga sandali ni Mahal, nagawa pa rin niyang tulungan si Mura at bigyang habilin gayung ilang linggo lamang ang lumipas ay siya naman niyang paglisan.

Napansin din ng ilan ang caption na "Hanggang sa muli, Mura!" sa video ng pagkikita nilang ito na tila isang pagpapahieatig ng komedyante. Naibinahagi ito sa Mygz Molino sa kanyang YouTube channel.

Read also

Mahal Tesorero, pumanaw na sa edad na 46; wala pang schedule sa burol ayon sa kapatid

Samantala, narito ang ilan sa mga tweet ng mga nakiramay at nakidalamhati sa pamamayapa ni Mahal:

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave (2003).

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga video niya kasama si Mygz Molino.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica