Madam Kilay, natukoy ang hacker at nabawi ang kanyang YouTube account

Madam Kilay, natukoy ang hacker at nabawi ang kanyang YouTube account

- Napawi na ang lungkot at sama ng loob ng vlogger na si Madam Kilay matapos niyang tuluyang mabawi ang kanyang YouTube account

- Sa kanyang tuwa, namahagi siya ng biyaya sa kanyang mga subscribers hindi lamang sa YouTube kundi maging sa Facebook

- Hindi niya kinaligtaang pasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya upang mabawi ang kanyang account

- Napag-alaman nilang taga-ibang bansa ang nag-hack at umagaw sa kanyang YouTube account na mayroon nang mahigit 1.7 million subscribers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinatuwa ng mga subscribers at supporters ni Madam Kilay ang balitang nakuha na ng vlogger ang kanyang YouTube account matapos itong ma-hack kamakailan. Maging si Madam Kilay ay hindi maitago ang saya at sa sobrang galak ay namahagi ng biyaya sa kanyang mga subscribers.

Madam Kilay, natukoy ang hacker at nabawi ang kanyang YouTube account
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Kwento ni Madam, napag-alaman nilang taga-ibang bansa ang nag-hack sa kanyang account at kahit papaano ay nagpapasalamat siya na hindi nito binura ang kanyang mga videos.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Pinasalamatan ni Madam ang mga taong nagmagandang loob na tulungan siya kabilang ang vlogger na si Jomart Lovena na nabiktima din ng hacker kamakailan lang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Na-retrieve na rin ang YouTube channel ni Jomart.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Matatandaang hindi napigilang maiyak ni Madam Kilay kamakailan nang mapag-alamang na-hack ang kanyang YouTube channel na ilang taon din niyang pinaghirapan.

Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate