Madam Kilay, naiyak matapos ma-hack ang kanyang YouTube channel

Madam Kilay, naiyak matapos ma-hack ang kanyang YouTube channel

- Hindi napigilang maiyak ni Madam Kilay dahil sa pagkaka-hack ng kanyang YouTube channel

- Sa isang live Facebook video ay inilabas ng vlogger ang kanyang sama ng loob sa pagkawala ng kanyang channel na aniya ay pinaghirapan niya

- Nakiusap din siya sa mga subscribers niya na kung sakaling kakailanganin niyang gumawa uli ng bagong channel sana ay suportahan pa rin siya

- Umabot na sa 1.7 million ang bilang ng mga subscribers ni Madam Kilay sa kanyang na-hack na YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Emosyonal na inilabas ni Madam Kilay ang kanyang sama ng loob sa pagkaka-hack ng kanyang YouTube channel. Wala pa umano siyang tulog dahil ilang oras na niyang sinusubukang ma-retrieve ang kanyang channel.

Madam Kilay, naiyak matapos ma-hack ang kanyang YouTube channel
Madam Kilay (@madamkilay)
Source: Instagram

Napalitan na ang pangalan at ang profile picture sa kanyang YouTube channel at hindi na rin nakikita ang mga content na kanyang inupload doon.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Umabot na sa 1.7 million ang bilang ng mga subscribers ni Madam Kilay sa kanyang na-hack na YouTube channel at hindi umano naging madali para sa kanya na maabot ang ganoong bilang ng subscribers kaya nasasaktan siya sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nakiusap din siya sa mga subscribers niya na kung sakaling kakailanganin niyang gumawa uli ng bagong channel sana ay suportahan pa rin siya.

Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel