Lester Llansang, delivery rider na ngayon matapos ang role sa 'Ang Probinsyano'
- Ikinuwento ng dating 'Ang Probinsyano' actor na si Lester Llansang na isa na ngayon siyang delivery rider
- Aminado siyang hindi madali ang pinasok niyang trabaho sa ngayon ngunit masaya naman umano siya sa kanyang ginagawa
- Hindi man daw kalakihan ang kanyang kinikita ngayon kumpara sa kita niya sa pag-aartista, nasa punto raw siya ngayon na mas mainam na mababa ang kinikita kaysa wala
- Matapos din ang kanyang role sa 'Ang Probinsyano' marami ring tumulong sa kanya na nagbigay sa kanya ng ibang oportunidad para kumita
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Buong tapang na ikinuwento ni Lester Llansang na isa ngayon siyang Lalamove rider.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, ibinahagi ni Lester na ito ngayon ang kanyang pinagkakaabalahan matapos ang kanyang naging role sa 'Ang Probinsyano.'
"Sinubukan ko siya pero in-enjoy ko siya tito, promise... Nagde-deliver ako ng mga pangangailangan ng tao,"
"Umulan, umaraw nandun ko, isa ako ngayong Lalamove rider," pagkumpirma ni Lester.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ikinuwento niya ang mga nararansan araw-araw sa biyahe na alam niyang dinaranas din ng iba pang kapwa niya delivery rider.
Aminado si Lester na sa umpisa'y mahirap hanggang sa kalauna'y nae-enjoy na niya ang bagong trabaho.
Malayo man daw ito sa kanyang minahal na propesyon sa pag-arte, importante ay kumikita siya ngayong panahon ng pandemya.
"Nasa state ako ngayon na 'di baleng mababa ang kita kesa wala," pag-amin ni Lester.
Kahit may trabaho naman umano ang kanyang girlfriend, ayaw niyang umasa na lamang gayung sanay siya na siya ang gumagastos at naghahanapbuhay.
Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay Lester sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Lester Llansang ay kilalang aktor sa Pilipinas na nagsimula ang career sa pagiging isang child star. Taong 2015, naging bahagi siya ng TV series na FPJ's Ang Probinsyano bilang si "P/Cpt. Mark Vargas". Noong July 2020, natapos ang acting stint niya sa naturang series.
Isa rin sa mga eksklusibong nakapanayam ni Ogie Diaz ay ang kontrobersyal na aktor kamakailan na si Janus Del Prado. Diretsahang sinabi nito na wala umano siyang dapat na ihingi ng sorry sa sinoman na kanyang nadawit sa mga naging pasabog niya sa mga social media post.
Ipinapaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh