OFW, 'Grandma' ang tawag sa among sobrang bait at malapit sa kanya
- Ibinahagi ng isang OFW ang kwento ng closeness niya sa kanyang amo na tinatawag niyang grandmother
- Nakamamangha kung paano siya nito itrato na parang bahagi na talaga siya ng pamilya nito
- Maayos ang kanyang tinutuluyang de aircon, may sariling lutuan at minsan ang kanyang mga grocery ay mas marami pa kaysa sa kanyang amo
- Naramdaman daw niya ang labis na tiwala sa kanya ng kanyang amo nang siya na ang paghawakin nito ng kanyang wallet
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakamamangha ang kabaitan ng amo ng overseas Filipino worker na si Cristy Gaudiano na itinuring na umano siya nitong kapamilya.
Kwento ni Cristy sa KAMI, noon pa ma'y napakabuti na sa kanya ng kanyang amo.
Pagdating pa lamang niya sa Taiwan kung saan nanatili siya ng anim na taon, de aircon na ang kanyang kwarto at may sarili pa umano siyang kusina.
Kasabay din siya ng amo na kumain sa hapag at hindi na talaga iba ang turing sa kanya. Ipinamimili siya nito ng mga gamit, damit at maging 24K na alahas.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kapag naman magogo-grocery, minsan pa'y mas marami ang ipinamimili ng amo para kay Cristy.
Madalas, kapag sila ay lumalabas, si Cristy pa ang namimili ng kanilang kakainan kahit pa 'eat-all-you-can' ang kanyang mapili.
Nito lamang umano na nagkasakit ang kanyang amo, mas naisip pa rin daw umano ang kalagayan ni Cristy kung nakakakain din ng maayos.
Kaya naman masasabi ni Cristy na napakaswerte niya sa kanyang naging amo na 'grandma' na ang turing din niya.
"Thank you for all the memories that we have together. I love you and You always stay in my heart. Thank you of Being such a 100% VERY GOOD LADY BOSS and a grandmother to me. For me you are the best boss i know," mensahe ni Cristy para sa kanyang amo.
Kamakailan, naibahagi rin ng KAMI ang kwento ng isang OFW na emosyonal nang makauwi sa Pilipinas at makita sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang ipinundar na bahay at iba pang mga ari-arian.
Ang iba, sagana sa mga regalo at mga bagay na binibili sa kanila ng kanilang amo lalo na ngayong pandemya na talaga namang hindi sila pinabayaan.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh