OFW na walang trabaho noon sa Pinas, sinuwerte sa amo at nagpapatayo na ng bahay

OFW na walang trabaho noon sa Pinas, sinuwerte sa amo at nagpapatayo na ng bahay

- Sinuwerte ang isang OFW sa kanyang amo sa Malaysia na hindi na iba ang turing sa kanya

- Aminado siyang wala siyang trabaho noon dito sa Pilipinas kaya naman na-engganyo siyang mag-abroad na lamang

- Mabait at mapagmalasakit ang kanyang amo na kung ano pa ang kanyang gusto ay siya raw madalas na nasusunod

- Ngayon, patuloy ang kanyang pagpapagawa ng bahay na kanyang pinagsusumikapan para sa kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng 29-anyos na overseas Filipino worker na si Leah Oblero ang karanasan niya sa mababait niyang amo sa Malaysia.

Kwento ni Leah sa KAMI, anim na taon na siyang domestic helper sa nasabing bansa. Wala kasi siya noong trabaho dito sa Pilipinas kaya naman naisipan niyang mag-abroad.

Single mom din si Leah kaya naman para mabigyan umano ng mas maayos na buhay ang kanyang anak, nangibang-bansa siya.

Read also

K Brosas, emosyonal na ibinahagi ang dinanas na anxiety attacks dahil sa panloloko sa kanya

OFW na dating walang trabaho sa PInas, sinuwerte sa amo at nagpapatayo na ng bahay
Photo from Leah Oblero
Source: UGC

Mababait daw ang kanyang amo ayon kay Lea. "Yung amo ko sobrang bait po. Hindi ako iba sa kanila. Pamilya na turing nila sakin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tuwing siya ay nagkakasakit, hindi raw talaga siya pinagtatrabaho ng amo niyang babae.

Pagdating naman sa pagkain, kahit pa may bisita ay kasalo rin umano siya ng pamilya ng amo.

Hindi rin daw malilimutan ni Leah nang nakasabay niyang magkasakit ang amo, siya pa rin umano ang inisip nito.

"'Yung kahit may sakit po siya at may sakit din ako, mas iniisip niya ako. Lahat ng sinasabi ko minsan sinusunod nila."

Kwento ni Leah, ramdam din nila ang pandemya gayung ang negosyo ng amo niya ay naapektuhan.

Gayunpaman, napagsusumikapan pa rin niyang mapatapos ang ginagawang bahay para sa kanila ng kanyang anak. Una na kasi niyang napaayos ang bahay ng kanyang pamilya.

Read also

Hash Alawi, pinagbigyan ang kanyang fans at subscribers sa request nilang car tour

"Mahirap na masaya maging OFW, mahirap kasi malayo ka sa pamilya mo lalo na mga anak mo kasi hindi mo sila kasama, hindi mo sila nakikita sa paglaki nila. Mahirap kapag may isa sa kanila may sakit kasi di mo sila maalagaan. Masaya kasi naibibigay mo 'yung mga pangangailangan nila lalo na kapag humiling sila, magaan sa pakiramdam kong nakakatulong ka. Pero hindi pang-habang buhay ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa as a OFW," mensahe ni Lea.

Nakatutuwang malaman na marami na sa ating mga kababayang OFW ay unti-unti nang naaabot ang mga pangarap nila sa buhay sa kabila ng matitinding dagok na kanilang napagdaanan.

Ang ilan, sadyang sinuwerte sa kanilang mga amo na todo ang suporta sa mga pangangailangan nila maging ng kanilang pamilya.

Ang iba naman, negosyong payayabungin ang talagang inuna nilang ipundar upang agad din silang makabalik sa Pilipinas at hindi na muling iwan pa ang kanilang mga mahal sa buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica