Hash Alawi, pinagbigyan ang kanyang fans at subscribers sa request nilang car tour

Hash Alawi, pinagbigyan ang kanyang fans at subscribers sa request nilang car tour

- Kasunod ng ibinahaging van tour ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel, marami umano ang huling kay Hash Alawi na magbahagi din ng kanyang car tour

- Kaya naman, naisipan niyang pagbigyan ang kanyang mga subscribers at sa unang pagkakataon ay pinasilip niya ang kanyang kotse na ayon sa kanya ay kauna-unahang kotse niya

- Kahit umano umabot na ito ng mahigit 5 taon sa kanya, wala pa sa plano niya ang palitan ito ng bago dahil pinapahalagahan niya ang kanyang unang kotse

- Si Hash ay ang kapatid ng aktres at vlogger na si Ivana at nakababatang kapatid nila si Mona na isang dating child star

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi man bago o maituturing na kabilang sa mga mamamahaling sasakyan na kagaya ng pagmamay-ari ng karamihan sa YouTubers at celebrities, buong pagmamalaking ibinahagi ni Hash Alawi ang kanyang car tour sa kanyang sasakyan na aniya ay limang taon nang nasa kanya.

Read also

Heaven Peralejo, pinakita ang behind-the-scenes ng kanyang ginawang recording

Hash Alawi, pinagbigyan ang kanyang fans at subscribers sa request nilang car tour
Hash Alawi (@hash.alawi)
Source: Instagram

Ito umano ang kanyang unang sasakyan at masaya siya na nagkaroon siya ng ganoong sasakyan na nagagamit niya naman kaya wala pa sa kanyang plano na palitan ito o bumili ng bago.

Bukod sa napamahal na ito sa kanya, marami umanong mga memories ang nabuo sa kanyang unang sasakyan kaya pinapahalagahan niya ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon ng kanyang subscribers:

This maybe a simple video but it is worth to be proud of. Yes it is not a expensive car but it is worth every penny bec it serves you faithfully as well. Quite honestly more than most relationships.
Sobrang humble ni Hash, simple, mapagmahal na anak and kapatid, hindi mayabang, and sobrang practical, he knows kung ano priority nya sa buhay, obvious naman na maganda pagpapalaki ng parents nya sa kanila.

Read also

Vice Ganda, may nakakaaliw na payo kay China Roces kaugnay sa pakikipagrelasyon

Goodjob on being simple and content with what you have.

Si Hashim Alawi ay kapatid ng aktres na sumikat sa kanyang mga YouTube videos. Matapos ang ilang beses na paglabas niya palagi sa mga video ng kapatid, marami ang humanga sa kanya.

Kamakailan ay sinorpresa ni Ivana si Hashim sa pamamagitan ng pakikipag collab nito kay Donnalyn. Unang beses na inamin ni Hashim na hinahangaan niya si Donnalyn sa isang vlog ni Ivana kung saan naibunyag nito ang tungkol sa paninigaw sa kanya ng isang TV host.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel