Ogie Diaz, sinubukang 'shout-out' lang ang ibayad sa kinainan nilang resto

Ogie Diaz, sinubukang 'shout-out' lang ang ibayad sa kinainan nilang resto

- Sinubukan ni Ogie Diaz at ng kanyang Team Wa Echos na 'shout-out' lang ang ibayad sa kinainang restaurant sa Rizal

- Makikitang kinabahan ang waiter nang sabihin ni Ogie ang kanyang mungkahi dahil may karamihan ang mga na-order nito

- Hindi alam ng waiter na prank lamang iyon at ipinaliwanag pa ni Ogie ang hirap ng buhay ng mga empleyado ngayon na kailangang kumita

- Pumayag daw ang may-ari na 'shout-out' lang ang ibayad at humirit din ng pagpapa-picture ang mga empleyado kay Ogie Diaz at sa Team Wa Echos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinakaba ni Ogie Diaz ang mga empleyado ng kinainan nilang restaurant sa Pililia, Rizal.

Nalaman ng KAMI na matapos kumain, naisipan ni Ogie na 'shout-out' ang ibayad sa kanilang mga kinain sa 'Barandilya.'

Sa vlog ni Tita Jegs, makikita kung paano na-prank ni Ogie ang mga empleyado ng 'Barandilya' na inakala talagang shout-out lamang ang kanilang ibabayad para i-promote ang lugar.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Ogie Diaz, sinubukang 'shout-out' lang ang ibayad sa kinainan nilang resto
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Kasama rin nila si Mama Loi kaya naman ang 'shout-out' ay lalabas ng promotion ng restaurant sa mga YouTube channels ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tingnan natin kung maba-bash ako," pahayag ni Ogie gayung prank lamang ang gagawin sa mga empleyado.

Ipinaliwanag niya ang hirap ngayong pandemya kaya naman kailangang kumita ng mga negosyo at hindi 'shout-out' lamang ang matatanggap na bayad ng mga ito.

Nang bumalik ang empleyado na nagtanong daw sa may-ari ng resto, sinabing pumayag daw ito at humirit na magpa-picture ang staff sa Team Wa Echos.

Halos maluha ang waiter na nakausap ni Ogie nang malamang prank lamang 'di pagbabayad. Bukod pa rito, pinasobrahan pa ni Ogie ang ibinayad nila sa restaurant at itinuloy pa rin ang 'shout-out' sa may-ari lalo na at masarap at sulit ang mga kinain nila roon.

Read also

Kaye Abad at Paul Jake Castillo, ipinakilala ang kanilang bunso: "It's a boy!"

Narito ang kabuuan ng makulit na prank na mapapanood sa YouTube channel ni Tita Jegs:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang kanyang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel