Kaye Abad at Paul Jake Castillo, ipinakilala ang kanilang second baby: "It's a boy!"

Kaye Abad at Paul Jake Castillo, ipinakilala ang kanilang second baby: "It's a boy!"

- Ibinahagi ng mag-asawang sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang kanilang mga pinagdaanan sa pag-welcome nila sa kanilang baby number 2

- Makikita sa kanilang vlog na makailang beses silang bumabalik sa doktor, ilang araw bago ang panganganak ni Kaye

- Sa huling check up niya noong Agosto 31, hindi na sila pinauwi pa ng kanyang doktora upang mabantayan na ang paglabas ng baby

- Inabot pa sila ng Setyembre 2 bago tuluyang lumabas ang kanilang baby boy na si "Iñigo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi na ng mag-asawang sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang pag-welcome nila sa kanilang second baby.

Nalaman ng KAMI na sa kanilang YouTube channel na Kaye & Paul Jake, ipinakita ng celebrity couple ang kanilang mga pinagdaanan bago maipanganak ang kanilang baby boy na si "Iñigo".

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Makikitang ilang beses na pabalik-balik sa ospital si Kaye na lagi ring sinasamahan ni Paul Jake para ma-monitor na ang lagay ng baby dahil kabuwanan na niya.

Kaye Abad at Paul Jake Castillo, ipinakilala ang kanilang second baby: "It's a boy!"
Kaye Abad kasama ang mister na si Paul Jake (@kaye_abad)
Source: Facebook

Ngunit sa huling check up sa kanya ng kanyang doktor, hindi na pinauwi si Kaye noong Agosto 31 upang maayos na mabantayan ang kalagayan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit inabot pa rin sila ng ilang araw bago makilala si baby Iñigo na isinilang ni Kaye noong Setyembre 2.

Ikinuwento ni Kaye ang kanyang mga naranasan sa panganganak sa ikalawang pagkakataon.

Hindi na nila naibahagi pa ang aktwal na mga kaganapan sa delivery room dahil bawal nang mag-video roon.

Emosyonal din ang naging pagkikita nina Kaye at kanyang panganay na si Joaquin na nawalay din sa kanya ng ilang araw.

Pinasalamatan din ni Kaye ang lahat ng mga taong sumuporta at tumulong upang maging maayos ang kanyang panganganak.

Read also

Daddy Bonoy, binati si Toni Gonzaga na aniya ay kanilang number 1 basher

Si Kaye Abad ay Filipina actress na produkto ng 90's show na "Ang TV". Mas lalo siyang nakilala bilang ka- love team ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Ikinasal si Kaye kay Paul Jake Castillo noong December 9, 2016 sa Cebu City. Nitong Abril, nagdaos sila ng gender reveal para sa kanilang second baby boy. 'Baby Shark' ang tawag ng kanilang panganay na si Joaquin sa kanilang bunso na si "Iñigo".

Source: Kami.com.ph

Online view pixel