Kaye Abad at Paul Jake Castillo, nagdaos ng gender reveal para sa ikalawang anak

Kaye Abad at Paul Jake Castillo, nagdaos ng gender reveal para sa ikalawang anak

- Masayang ibinahagi ng mag-asawang Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang isang gender reveal clip sa social media

- Ito ay para maibahagi sa kanilang mga kaibigan at mga tagahanga ang kasarian ng kanilang parating na pangalawang anak

- Isang lalaki uli ang pinagbubuntis ng aktres na kanilang isinapubliko nito lamang Pebrero ng kasalukuyang taon

- Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa mga kasamahan nila sa showbiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang isang maiksing video clip na kuha sa kanilang gender reveal para sa kanilang babay number 2.

Makikita ang mag-asawa kasama ang anak nilang si Joaquin sa ibinahaging video ng aktres.

Kaye Abad at Paul Jake Castillo, nagdaos ng gender reveal para sa ikalawang anak
Kaye Abad with husband Paul Jake Castillo and their son (@kaye_abad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos makita ni Kaye ang resulta mula sa hawak niyang papel, agad na pinili ni Paul Jake ang isa sa hawak niyang confetti poppers at kulay asul ang lumabas na confetti.

Read also

Veteran actress na si Pilar Pilapil, nakipagkulitan sa co-stars sa "First Yaya"

Bakas sa mukha ng mag-asawa ang tuwa sa kanilang natuklasan.

Samantala, bumuhos naman ang mga pagbati mula sa mga kaibigan at kasamahan ng dalawa mula sa showbiz.

Kabilang sina Angelica Panganiban, Darla Sauler, Mariel Padilla, Isabel Oli, Jason Abalos Nikki Valdez at Rodjun Cruz sa mga bumati sa kanila.

Maging ang ex-boyfriend ni Kaye na si Chito Miranda ay nagbahagi din ng kanyang pagbati.

Kaye Abad at Paul Jake Castillo, nagdaos ng gender reveal para sa ikalawang anak
Mga pagbati mula sa mga kaibigan at kasamahan sa showbiz nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo
Source: Instagram

Mga pagbati mula sa mga kaibigan at kasamahan sa showbiz nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo
Mga pagbati mula sa mga kaibigan at kasamahan sa showbiz nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Ikinasal si Kaye kay Paul Jake Castillo noong December 9, 2016 sa Cebu City. Kamakailan ay naibahagi ng aktres ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao sa pangalawang anak nila ni Paul Jake.

Read also

Kris Aquino at Bimby, sinorpresa si Miles Ocampo sa kaarawan nito

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa naunang ulat, naging usap-usapan ang komento ng kanyang ex-boyfriend na si Chito Miranda sa kanyang Instagram post.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel