Ogie Diaz sa issue ni Paolo Contis kay LJ Reyes: "Aakuin niya yan... Hihingi 'yan ng sorry"

Ogie Diaz sa issue ni Paolo Contis kay LJ Reyes: "Aakuin niya yan... Hihingi 'yan ng sorry"

- Nasabi ni Ogie Diaz na pakiramdam niya'y aakuin ni Paolo Contis ang anumang hindi magandang nangyari sa kanila ng dating karelasyon na si LJ Reyes

- Mula pagkabata ni Paolo ay kilala at ala-alaga na siya noon ni Ogie kaya naman masasabing kilala niya ang aktor

- Kailanma'y hindi rin nagagawa ni Paolo na siraan ang mga dating nakarelasyon

- Nabanggit din ni Ogie na sakaling magsalita na si Paolo, sa GMA ito unang magbibigay ng kanyang pahayag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa hindi pa rin namamatay na issu tungkol sa hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Nalaman ng KAMI na naniniwala si Ogie na hihinging sorry si Paolo kay LJ sa kung anuman ang nagawa niya rito at aakuin nito ang kanyang naging pagkakamali.

Read also

Cristy Fermin, kinumpirmang sina Yen Santos at Paolo Contis ang nasa viral video

Ogie Diaz sa issue ni Paolo Contis kay LJ Reyes: "Aakuin niya yan... Hihingi 'yan ng sorry"
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, matagal na niyang kilala ang aktor at masasabi niyang kailanma'y hindi nito nagawang siraan o gantihan ang babaeng nakarelasyon at nakapagsabi sa kanya ng hindi maganda.

"Dahil 9 years old ay ala-alaga ko na 'yan sa Mara Clara days... Si Paolo naman wala akong matandaan na mga naging karelasyon niya na niya. Na 'pag siya ang sinasabihan ng hindi maganda, e babalikan din niya ng hindi maganda. Parang wala pa akong nababasang ganun, napapanood na interview na ganun."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kaya feeling ko, hindi siya magsasalita ng anything against LJ"
"Feeling ko si Paolo, aakuin niya 'yan. Kilala ko siya, ganun talaga si Paolo, aakuin niya 'yan"
"Hihingi rin niya ng sorry, personally thru text lang although si LJ kasama ang kanyang mga anak ay nasa New York, feeling ko 'yun ang mangyayari."

Read also

Cristy Fermin, dinepensahan si Paolo Contis: "May dahilan na matindi diyan"

Ayon pa kay Ogie, sakaling magsalita na si Paolo, maaring sa GMA ito maglabas ng kanyang pahayag tungkol sa isyu.

Mapapanood ang kabuuan ng pahayag na ito ni Ogie kanyang Showbiz Update YouTube channel:

Si Paolo Contis ay isang Filipino actor na nagsimula sa showbiz bilang isang child actor. Produkto siya ng "Ang TV" ng ABS-CBN. Kasalukuyan naman siyang Kapuso actor. Nakatanggap na rin siya ng ilang acting awards na karamihan ay mula sa PMPC Star Awards.

Kamakailan, naging kontrobersyal si Paolo sa hiwalayan nila ng dating karelasyon na si LJ Reyes. Kinumpirma ni LJ ang paghihiwalay na nila ng landas ni Paolo ngunit hindi pa nito ibinagsak ang naging mabigat na rason.

Kasalukuyan nang nasa New York City sa USA si LJ at mga anak nitong sina Aki at Summer. Siniguro niyang nakaalis muna sila ng Pilipinas bago isagawa ang ekslusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel