Cristy Fermin, dinepensahan si Paolo Contis: "May dahilan na matindi diyan"

Cristy Fermin, dinepensahan si Paolo Contis: "May dahilan na matindi diyan"

- Dinipensahan ni Cristy Fermin ang aktor na Paolo Contis sa hiwalayan nila ni LJ Reyes

- Sinabi ni Cristy na tila napuno lamang ang aktor sa tindi ng umano'y pinagdaraanan nito

- Natural lamang umano sa lalake na magsawa sa mga karelasyon nila

- Kamakailan, lumantad na si LJ Reyes, na kasalukuyan nang nasa Amerika, para kumpirmahin ang paghihiwalay nila ni Paolo Contis na karelasyon sa loob ng anim na taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dinipensahan ng kilalang entertainment columnist at talk show host na si Cristy Fermin ang aktor na si Paolo Contis sa hiwalayan umano nito kay LJ Reyes.

Nalaman ng KAMI na wala raw umanong masilip o makitang masama si Cristy sa mga mata ni Paolo kaugnay sa isyung kinasasangkutan nito.

Paliwanag pa ng talk show host, tila napuno raw ang aktor sa pinagdaraanan nito sa relasyon nila ni LJ gayung alam ng lahat kung gaano niya ito kamahal noon.

Read also

LJ Reyes at Lian Paz, naka-follow sa isa't-isa sa Instagram

Cristy Fermin, dinepensahan si Paolo Contis: "May dahilan na matindi diyan"
Lj Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram
"Pinakamamahal mo si LJ, pinaglaban mo, tinanggap mo na meron na siyang anak sa ibang personalidad, bakit napuno ang salop? May dahilan na matindi diyan"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, alam umano ni LJ na nagbago si Paolo Contis na karelasyon niya sa loob ng anim na taon kaya maaring mayroong matinding rason sa pagbabagong ito.

"Nagbago talaga si Paolo Contis sa pagmamahala sa kanya (LJ Reyes), Laging may dalawang panig ang isang isyu, tapos 'yung katotohanan na sila lang dalawa ang nakakaalam," dagdag pa ni Cristy.

Pagtatanggol pa niya sa aktor, tila nakinig si LJ sa mga 'sulsol', 'bulong' at sightings na nabanggit niya mismo sa interview sa kanya ni Boy Abunda. Ito marahil ang dahilan aniya kung bakit maaring inaaway ng isang babae ang kanilang kapareha.

Read also

Paolo Contis, piniling 'di magsalita matapos ang pahayag ni LJ Reyes sa kanilang hiwalayan

"Hirap lang dito, nakinig siya sa mga sulsol, bulong, sightings, mga kwento. Natural ang lalake nina-nag mo, juskoday! sa kanila nakakasawa 'yon"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na ibinahagi ng Owemji:

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Agosto 31, nang lumabas ang 'teaser' ng interview ni Boy Abunda kay LJ Reyes kung saan kinumpirma na nito ang paghihiwalay nila ng aktor na si Paolo Contis.

At pagpasok ng buwan ng Setyempre, kinumpirma na ng Kapuso actress ang hiwalayan nila ni Paolo at kasalukuyan na siyang nasa Amerika kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel