Jake Ejercito, ibinidang pinagluto siya ni Ellie Ejercito sa unang pagkakataon

Jake Ejercito, ibinidang pinagluto siya ni Ellie Ejercito sa unang pagkakataon

- Binahagi ni Jake Ejercito ang video ng anak na si Ellie Ejercito habang nagluluto ito ng pritong itlog

- Base sa caption ng naturang video, ito umano ang unang pagkakataon na pinagluto siya ni Ellie

- Kasalukuyang magkasama ang mag-ama at iba pa nilang kaanak sa kanilang pagbabakasyon sa Spain

- Marami naman ang natuwa at naaliw sa binahaging video na ito ni Jake

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Buong pagmamalaking binahagi ni Jake Ejercito ang video ng kanyang anak na si Ellie Ejercito. Pinagluto siya ng kanyang anak sa kauna-unahang pagkakataon.

Jake Ejercito, ibinidang pinagluto siya ni Ellie Ejercito sa unang pagkakataon
Jake Ejercito, ibinidang pinagluto siya ni Ellie Ejercito sa unang pagkakataon (@unoemilio)
Source: Instagram

Makikita sa video ang pag-aayos ni Ellie ng kanyang sangkap para sa pritong itlog na kanyang niluto.

Marami naman ang natuwa at naaliw sa binahaging video na ito ni Jake:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Andrew Schimmer, binahagi ang nakakaantig na video ng bunsong anak niya at ng kanyang asawa

She is so pretty. Okey yan Ellie you are now learning some simple cooking for you and your dad.
So sweet .. nice bonding moments with Daddy Jake.
Sweet sweet naman ellie..

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Read also

Erwan Heussaff sa OOTD ni Anne Curtis: "You forgot to button up the shirt"

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel