Erwan Heussaff sa OOTD ni Anne Curtis: "You forgot to button up the shirt"

Erwan Heussaff sa OOTD ni Anne Curtis: "You forgot to button up the shirt"

- Ibinida ni Anne Curtis ang kanyang OOTD para sa pagpasok niya sa It's Showtime ngayong araw

- Binahagi niya din na hiniram niya lang sa mister na si Erwan Heussaff ang kanyang suot na shirt

- Sa comment section ay pabirong sinabi ni Erwan na tila nakalimutan ni Anne na ibutones ang kanyang shirt

- Marami naman ang naaliw sa komentong ito ni Erwan kaugnay sa suot ni Anne

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Erwan Heussaff sa mga nag-komento sa Instagram post ni Anne Curtis kung saan pinakita nito ang kanyang Outfit of the Day. Pinuna nito ang suot ni Anne na aniya ay nakalimutang ibutones.

Erwan Heussaff sa OOTD ni Anne Curtis: "You forgot to button up the shirt"
Erwan Heussaff sa OOTD ni Anne Curtis: "You forgot to button up the shirt" (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Sa kanyang caption, binahagi din ni Anne na pagmamay-ari ni Erwan ang kanyang suot na polo shirt.

See you guys sa Miss Q&A and TNT on Showtime today✨ P.S - borrowed your shirt @erwan

Read also

Elaine Duran, usap-usapan dahil sa kanyang agaw-pansing glow-up pictures

Marami naman ang naaliw sa komentong ito ni Erwan kaugnay sa suot ni Anne:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Possessive husband hehe cutie @annecurtissmith youre so blessed!
Hahah! Erwan wag k kasing kontra. Basag trip k eh. Lol
Ok lng po yan dyosa naman po asawa mo.

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Buboy Villar, nagbihis bilang si Elsa para sa birthday ng kanyang anak

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwann, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwann na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel