Andrew Schimmer, inaming na-miss nang makausap ang misis

Andrew Schimmer, inaming na-miss nang makausap ang misis

- Aminado si Andrew Schimmer na sobra niyang na-miss ang pag-uusap nila ng kanyang misis na si Jorhomy

- Aniya, bestfriends sila kaya palagi daw talaga silang nag-uusap noong hindi pa nagkasakit ang asawa

- Masaya umano siya na nagiging maayos ang kalagayan ni Jorhomy ngunit hindi niya maiwasang malungkot dahil na-mimiss na umano niyang makausap ito kagaya ng dati

- Alam naman umano niyang dadating din ang panahong gagaling ang pinakamamahal na asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Andrew Schimmer na miss na miss niya nang makausap ang kanyang asawang si Jorhomy. Masaya umano siya na nagiging maayos ang kalagayan ni Jorhomy ngunit hindi niya maiwasang malungkot dahil na-mimiss na umano niyang makausap ito kagaya ng dati.

Andrew Schimmer, inaming na-miss na yung nakakausap niya ang misis
Andrew Schimmer, inaming na-miss na yung nakakausap niya ang misis (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Ayon pa sa kanya, bestfriend niya ang asawa kaya palagi talaga sila mag-usap noong hindi pa ito nagkasakit. Kaya naman ito umano ang isa sa pinakainaasahan niyang magawa kapag gumaling na ang kanyang misis.

Read also

Rosmar Tan sa bashers nya: "Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo"

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel