Rosmar Tan sa bashers nya: "Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo"

Rosmar Tan sa bashers nya: "Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo"

- Kinaaliwan ang post ni Rosmar Tan para sa kanyang bashers na nagsasabing magkalayo ang kanyang mga mata

- Sa isang post sa Facebook ay binahagi niya ang edited picture niya kung saan aniya ay pinaglapit niya na ang kanyang mga mata

- Aniya, siya na ang sosolusyon sa problema ng kanyang bashers

- Naibahagi niya rin ang screenshot ng komento ng isang netizen na angtatanong kung bakit magkalayo ang mata niya na kinalaunan ay binura din ni Rosmar

Binahagi ni Rosmar Tan ang edited picture niya kung saan aniya ay pinaglapit niya na ang kanyang mga mata. Ito ay matapos niyang ibahagi ang komento ng isang netizen na nagtatanong kung bakit daw magkalayo ang kanyang mga mata.

Rosmar Tan sa bashers nya: "Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo"
Rosmar Tan sa bashers nya: "Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo"
Source: Facebook

Ani Rosmar, siya na ang

sosolusyon sa problema ng kanyang bashers.

Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo HAHAHA pinagdikit ko na

Read also

Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nag-aantay magkaanak: "Eto na malapit na"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binura niya rin ang screenshot ng mga negatibong komento na kanyang sinagot. Aniya, sa ginawa niya ay naramdaman din ng mga ito kung ano ang pakiramdam ng binabash.

Binura ko na mga post ko HAHAHA atleast naramdaman na nila anong feeling ng binabash

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

Ivana Alawi, ibinuking ang sarili na isa siyang gamer

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel