Rosmar Tan, ibinahagi na meron umanong "leaked convo" ng pambu-bully sa kanya

Rosmar Tan, ibinahagi na meron umanong "leaked convo" ng pambu-bully sa kanya

- Naging emosyonal ang vlogger na si Rosmar Tan kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura

- Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok

- Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar

- Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi natatapos sa video ng umano'y pang-bu-bully ang nakarating sa vlogger na si Rosmar Tan. Sa kanyang social media post, sinabi nito ang tungkol sa leaked conversation ng mga sikat na influencers sa TikTok tungkol sa umano'y pang-bu-bully sa kanya.

Rosmar Tan, ibinahagi na meron umanong "leaked convo" ng pambu-bully sa kanya
Rosemarie Peñamora Tan (@rosmartan)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Toni Fowler at Rob Moya, posibleng magharap sa "Raffy Tulfo in Action"

Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyng post.

OMG! Leaked convo screenshot ng mga sikat sa TikTok sa pang-bu-bully niyo sa akin. Grabe na kayo. Raffy Tulfo in Action.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw, naging usap-usapan ang naging reaksiyon ni Rosmar sa isang video na kung saan pinagtatawanan umano ang litrato niyang kuha noon. Inalmahan niya ito ngunit hindi niya napigilang maiyak.

Paliwanag ni Rosmar, dati siyang maitim at hindi makinis kaya naging matindi ang epekto nito sa kanya lalo at pinaghirapan niya umanong ma-build ang kanyang self confidence.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Read also

Social media influencer na ri Rosmar Tan, naiyak dahil na-bully umano siya

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nag-viral si Rosemar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Kamakailan ay binahagi niya ang tungkol sa fake booking sa mga pagkain na pinadala sa kanyang address kaya binayaran na lamang nila ng kanyang karelasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel