Vlogger, napilitang bayaran ang mga fake orders na pinadala sa address niya
- Isang vlogger ang nagbahagi ng mga video kung saan ipinakita niya ang mga delivery rider na dumating sa kanilang address
- Aniya, may nag-book ng order at ipinangalan sa kanya at sinubukan pa umano nitong hingian siya ng pera
- Dahil sa awa sa mga delivery riders, napagpasyahan na rin ng vlogger na bayaran na lamang ang mga produktong idineliver sa kanila
- Umabot umano sa halo P15,000 ang kabuuan ng halagang kanyang ipinang-abono sa mga fake booking
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng vlgger na si Rosemarie Tan ang kanyang karanasan kaugnay sa fake booking. Sa mga video na kanyang ibinahagi sa social media, makikita ang ilang mga delivery riders na nagsisidatingan sa kanyang address.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang taong gumawa niyon, humingi pa umano ng P5,000 sa vlogger para umano tumigil na siya. Desidido naman ang vlogger na makilala ang taong nanloko sa mga riders.
Dahil sa kanyang awa sa mga delivery riders ay binayaran na lamang niya ang mga pagkaing idineliver sa kanyang address at ipinamigay na rin sa mismong driver.
Kwento pa niya umabot sa halos P15,000 ang perang kanyang pinambayad sa lahat ng mga pagkaing na-order sa fake booking.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa bansa, muling nagpatupad ng Enhanced community quarantine ang pamahalaan sa Metro Manila, isang taon makalipas ipatupad ang unang ECQ. Kabilang sa mga pinapatupad sa ilalim ng ECQ ay ang curfew kung saan nililimitahan ang maaring lumabas pagdating ng oras ng curfew.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Ang pagiging food delivery driver ay isa sa mga patok na trabaho sa kasalukuyan dahil sa kinakaharap na pandemya. Dahil sa mga lockdown ay nauuso ang pagbili ng pagkain sa pamamagitan ng internet. Dito sa Pilipinas, ilan sa mga kilalang food delivery service ay Grab food, Lalafood at Food Panda.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh