Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nag-aantay magkaanak: "Alagaan muna ang isa't-isa"

Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nag-aantay magkaanak: "Alagaan muna ang isa't-isa"

- Nagbahagi si Alex Gonzaga ng mensahe para sa aniya'y kagaya nila na nag-aantay na mabiyayaan ng anak

- Habang wala pa ay alagaan muna daw nila ang isa't-isa na tumutukoy sa kanila ng asawa niyang si Mikee

- Sa kanyang TikTok post ay binahagi niya ang video clip kung san makikitang kumakain sila ni Mikee

- Marami naman ang nagkomento at humiling na sana ay mabiyayaan na ng anak ang mag-asawang Mikee at Alex

Nagbahagi si Alex Gonzaga ng mensahe para sa aniya'y kagaya nila na nag-aantay na mabiyayaan ng anak. Kalakip ng kanyang mensahe ay ang video nila ng kanyang mister.

Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nagaantay magkaanak: "Eto na malapit na"
Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nagaantay magkaanak: "Eto na malapit na"
Source: Instagram

Aniya, habang wala pa ang kanilang anak ay alagaan muna nila ni Mikee ang isa't-isa. Marami naman ang nagkomento at humiling na sana ay mabiyayaan na ng anak ang mag-asawang Mikee at Alex.

Narito ang ilang komento:

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

Praying na magka baby na po kayooo. In God's perfect time.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kami po ng asawa ko 16 yrs together 7 yrs nang kasal trying parin po at hindi sumusuko…kaya fighting lang po
Praying for your wish to be granted.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel