Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito

Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito

- Binahagi ni Melai Cantiveros ang video kung saan makikita ang anak niyang si Stela Francisco na umiiyak

- Niya, matagal itong nagdasal at kinalaunan ay naging emosyonal dahil maunawaan nito aniya ang tunay na kahulugan ng Holy Week

- Pinaliwanagan naman ni Melai ang anak na hindi naman nito pinatay ang sarili niya kundi nagsakripisyo ito

- Dagdag pa ni Melai, dapat lagi siyang magpasalamat sa ginawang sakripisyo ni Jesus para sa mga tao

Nagtaka raw si Melai Cantiveros kung bakita naiyak ang anak niyang si Stela Francisco matapos nitong magdasal nang matagal. Ani Melai, bilang ina ay masaya siya na nauunawaan na ng anak ang kahulugan ng Holy Week.

Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito
Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito
Source: Facebook

Sa naturang video ay makikitang nagpupunas ng luha si Stela habang niyayakap siya ng ina. Sinabi nito na naawa siya kay Jesus dahil sa pagsacrifice ni Jesus para sa mga tao.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

Dagdag pa ni Melai, dapat lagi siyang magpasalamat sa ginawang sakripisyo ni Jesus.

Yung akala ko anu ang inayakan nya, sa sobrang tagal nya matapos magpray umabot cya sa ganitu kaguilty. Thank you Jesus kasi na-understand na ng aming Baby ang meaning ng Holy Week, at sobra akong nahappy bilang Mama. Aylabyu baby Stey

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Alex Gonzaga sa kagaya nilang mag-asawang nag-aantay magkaanak: "Eto na malapit na"

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel