MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

- Sinagot nina Melai Cantiveros ang isang netizen na nagkomento sa isang video na naibahagi nila sa MelaSon Facebook Page

- Ang video na ito ay ang tungkol sa pag-iyak ni Stela dahil naunawaan niya na ang tungkol sa Holy Week

- Ayon sa komento ng netizen na ito maging ang anak nila ay naghahanap-buhay na rin

- Bilang sagot sa komentong ito, sinabi nilang magandang ibahagi ang mga ganitong video dahil bata pa lang si Stela ay kilala na nito si Jesus

Sinagot ng MelaSon ang komento ng isang netizen patungkol sa video na binahagi nila kaugnay sa pag-iyak ni Stela dahil sa pagsakripisyo ni Jesus. Ayon sa komento ng netizen na ito maging ang anak nina Melai at Jason ay naghahanap-buhay na rin.

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila
MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila
Source: Facebook

Bilang sagot sa komentong ito, sinabi nilang magandang ibahagi ang mga ganitong video dahil bata pa lang si Stela ay kilala na nito si Jesus.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila
MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Di naman nya kelangan maghanap buhay Pray for your heart para mabago mo ang tingin mo sa bagay bagay. Masarap kasi i-share ang ganito dahil bata pa lang sila alam na nila kung sino si Jesus.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Read also

Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito

Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel