Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

- Maging si Ogie Diaz ay napuri ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina

- Matatandaang kamakailan, pumalo na sa 2 million ang views ng music video nito ng awiting 'Fly me to the moon'

- Bago pa man ito, agaw-pansin na talaga sa social media si Sarina dahil sa kanyang mga nakatutuwang ginagawa kasama ang kanyang Dady Jhong

- Kamakailan, nagbahagi ng biyaya si Sarina sa mga kapwa niya bata nang magdiwang siya ng kanyang 3rd birthday

Napuri rin ni Ogie Diaz ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina.

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"
Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan" (@jhonghilario)
Source: Instagram

Ito ay dahil patuloy ang pagpukaw nito sa puso ng netizens at maging ang mga taong nakakahalubilo nito.

Matatandaang kamakailan, bago niya ipagdiwang ang kanyang 3rd birthday, inilabas ang music video ng bersyon niya ng awiting 'Fly me to the moon.' Kahanga-hanga na pumalo na sa 2 million ang views ng naturang video na naibahagi ni Jhong sa kanyang YouTube channel.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

"Alam mo, napakabiba ng batang 'yan," ani Ogie patungkol kay Sarina.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Two years old, talagang nasa tono na. Meron siayng tenga at may boses siya sa singing"
"Alam mo 'yang batang yan, feeling ko magiging isang Regine [Velasquez]"

Nilarawan din ni Ogie na great parents si Jhong at partner nitong si Maia dahil sa mahusay na pagpapalaki kay Sarina.

"Alam mo napakaswerte ni Jhong diyan sa kanyang anak. Talagang pinaghuhugutan ng lakas ni Jhong 'yan e. Imaginin mo, naglilikod ka bilang konsehal ng Makati tapos at the same time meron kang It's Showtime."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

Read also

Melai sa umano'y milagro sa kanya: "After two months, in Jesus name, nawala ang bukol"

At kamakailan lamang, naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito.

Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina at pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel