Melai sa umano'y milagro sa kanya: "After two months, in Jesus name, nawala ang bukol"

Melai sa umano'y milagro sa kanya: "After two months, in Jesus name, nawala ang bukol"

- Naibahagi ni Melai Francisco ang naituring niyang milagro sa kanyang buhay

- Ito ang kanyang Good Friday Testimony na ginanap sa Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel

- Aniya, mas napalapit pa siya sa Diyos sa pagsubok na ito na puro dasal at pananampalataya ang kanyang ginawa

- Makalipas umano ang dalawang buwan, dininig ng Diyos ang kanyang panalangin

Matapang na ibinahagi ni Melai Francisco ang pagsubok na kanya umanong nalampasan sa pamamagitan ng dasal.

Melai sa umano'y milagro sa kanya: "After two months, in Jesus name, nawala ang bukol"
Melai sa umano'y milagro sa kanya: "After two months, in Jesus name, nawala ang bukol" (@mrandmrsfrancisco)
Source: Facebook

Nabigyan siya ng pagkakataong maikwento ito bilang Good Friday Testimony sa Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel.

Lingid sa kaalaman ng lahat, nagkaroon 'di umano si Melai ng bukol sa dibdib subalit tanging Diyos lang ang kanyang kinapitan at pinaghugutan ng tapang.

"Pinabayaan niya akong magdasal nang magdasal para mas mapalapit pa sa kanya at mas maging confident pa ako sa faith ko sa kanya. Kaya nakuha ko ang sagot sa dasal ko... After two months, in Jesus name...Nawala ma ang bukol," ang naging ng testimonya ni Melai na naibahagi rin ng Rappler.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"God moves in mysterious ways kasi wala akong pinagsabi eh. Nag-tagumpay ako doon na siya lang ang nilapitan ko," dagdag pa ni Melai.

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Noong nakaraang taong 2023, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

Naging bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo, FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel