Ivana Alawi, ibinuking ang sarili na isa siyang gamer

Ivana Alawi, ibinuking ang sarili na isa siyang gamer

- Ibinuking ni Ivana Alawi ang kanyang sarili na isa siyang gamer

- Ito ay matapos niyang maibahagi ang kanyang computer area na malapit sa kanyang higaan

- Aniya, kaya niyang maglaro ng halos kalahating araw na hindi alam ng marami

- Agad naman siyang sinegundahan ng kanyang kapatid na si Mona at sinabing 'adik' daw ang ate sa paglalaro

Sa house tour na ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang vlog kamakailan, isa sa mga naikwento niya ay ang kanyang pagiging 'gamer.'

Ivana Alawi, ibinuking ang sarili na isa siyang gamer
Ivana Alawi, ibinuking ang sarili na isa siyang gamer (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Matapos na ipakita ni Ivana ang kanyang computer area, nabanggit niyang isa siya sa mga nahuhumaling sa online game.

"Paggising ko ng umaga, Valorant agad!" ani Ivana bilang paliwanag kung bakit malapit sa kanyang kama ang kanyang computer area.

"Gamer po talaga ako, sa mga hindi nakakaalam," pagkumpirma pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Shaira, 'speechless' matapos siyang ayusan para sa isang photoshoot

"Adik yan, grabe!" pagsegunda naman ni Mona na siyang saksi sa pagiging gamer na kanyang ate.

Inalamahan naman ito ni Ivana, na baka umano mawala ang respeto sa kanya ng mga tao at isiping wala siyang ibang ginagawa kundi ang maglaro.

"Basta, mahilig akong mag-Valorant as in! Kaya ko siyang laruin ng 12 hours."

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang house tour mula sa kanyang Ivana Alawi YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

KC Concepcion, naumpisahan na ang pagpapatayo ng building sa Palawan

Kamakailan, nabanggit ni Ivana na mayroon umano siya ngayong dini-date. "My Heart is happy," ayon pa kay Ivana. Gayunpaman, nais ni Ivana na panatilihin ang pagiging pribado ng kanyang love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel