Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

- Nabanggit ni Ivana Alawi ang tungkol umano sa kanyang love life

- Isa ito sa mga natanong sa kanila sa kanyang pinakabagong vlog kasama si Bea Alonzo

- Gayunpaman, sa naturang vlog din niya nabanggit na tila hindi siya handang isapubliko ang kanyang love life

- Na tila naunawaan din ni Bea base umano sa mga dating pinagdaanan niya sa buhay pag-ibig

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagkwento nang bahagya si Ivana Alawi patungkol sa kanyang love life.

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"
Ivana Alawi (Ivana Alawi)
Source: Facebook

Isa kasi ito sa mga naitanong sa pinakabago niyang vlog kasama ang kanyang idolo na si Bea Alonzo.

Gayung alam ng lahat na si Bea ay ikakasal na sa susunod na taon kay Dominic Roque, kaya ang nausisa sa kanilang Q&A ay si Ivana.

"I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy. My heart is happy."

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, sa naturang vlog din niya nasabing tila hindi rin siya handang isapubliko ang nagpapatibok ng kanyang puso.

Sinang-ayunan naman ito ni Bea na aminadong natakot din noong ibahagi ang relasyon nila ni Dominic noong nag-uumpisa pa lamang ito.

"Kasi grabe 'yung mga ano nila, yung mga comments nila akala mo kilala ka nila di ba? yung pinagdadaanan mo. And I don't blame them kasi in-open mo, nasa social media," paliwanag ni Bea.

Gayunpaman, laking pasasalamat niyang ito na pala talaga ang lalaking nakalaan sa kanya gayund takot umano siyang mahusgahan na baka hindi pa muling mag-work ang kanilang relasyon na noo'y naihusga sa kanya ng publiko.

Narito ang kabuuan ng vlog ni Ivana kasama si Bea:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Bea Alonzo sa mga cheater: "It's so 2020, charot! Ay, di pala, so 2019"

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Isa rin sa kinatuwa ngayon ng fans ni Ivana ay ang pagkakasama nito ngayon sa cast ng Batang Quiapo. Gumulantang sa publiko ang kanyang paglabas sa naturang serye bilang si Bubbles.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel