Bea Alonzo sa mga cheater: "It's so 2020, charot! Ay, di pala, so 2019"

Bea Alonzo sa mga cheater: "It's so 2020, charot! Ay, di pala, so 2019"

- May nakakatawang reaksyon si Bea Alonzo nang matanong siya kung ano ang mensahe sa mga cheater

- Aniya, "so 2020" na ito ay biglang binawi niya at sinabing "so 2019" pala

- Naniniwala rin umano si Bea sa karma at naikwento niyang maging siya ay nakararanas nito

- Doon din umano natututo ang tao na huwag na muling gawin ang anumang pagkakamali

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May kakaiba at kakatuwang sagot si Bea Alonzo sa tanong na "What can you guys say about sa mga cheater?"

Bea Alonzo sa mga cheater: "It's so 2020, charot! Ay, di pala, so 2019"
Bea Alonzo sa mga cheater: "It's so 2020, charot! Ay, di pala, so 2019" (Bea Alonzo)
Source: Facebook

Isa ito sa mga naitanong sa kanila ni Ivana Alawi sa pinakabago nitong vlog kamakailan.

May nabanggit na taon si Bea na hindi katagalan na siyang nagmistulang palaisipan sa mga nakapanood.

"It's so 2020, charot! Ay, di pala, so 2019... 'Dun na tayo sa mabait" ani Bea.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Tigilan na nila... Kapag nananakit ka ng tao mabigat 'yung buhay mo. May niloko ka, may ginawan ka ng masama," dagdag pa nito.

Naniniwala rin umano ang Kapuso actress sa karma na maging siya ay nakararanas nito.

"I do. Actually I've had my karmas. Hindi naman kasi ako laging mabuti 'di ba? At kapag kinakarma ako, tinatanggap ko 'yun. Kaya ka natututo na 'wag na next time"

Narito ang kabuuan ng masayang Q&A at mukbang nila ni Ivana Alawi mula sa YouTube channel nito:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Read also

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

Samantala, July 18 nang kasalukuyang taon nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel