Bea Alonzo, inalala ang pagkakataong hindi siya umano naniwala sa kasal

Bea Alonzo, inalala ang pagkakataong hindi siya umano naniwala sa kasal

- Sa bagong vlog ni Bea Alonzo, naikwento niya ang umano'y pagkakataong hindi siya naniwala sa kasal

- Isa umano ito sa mga naitanong niya sa panauhin niyang si Michelle Dee

- Ani Bea, minsan pa nga niya itong naikwento sa isa sa kanyang mga naunang vlog

- Gayunpaman, hindi naman naging sarado umano ang isip ng aktres na ngayo'y engaged na sa kanyang nobyong si Dominic Roque

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Bea Alonzo na minsan siya umanong hindi naniwala sa kasal. Sa bago niyang vlog kung saan panauhin niya si Michelle Dee, napag-usapan nila ang relationship status ng beauty queen.

Bea Alonzo, inalala ang pagkakataong hindi siya umano naniwala sa kasal
Bea Alonzo and Dominic Roque (@beaalonzo)
Source: Facebook

"I've dated a variety of different types of people naman, and I think it's really just trying to find the right one. So as of now, I still don't believe in marriage. I don't believe in marriage until I find the right one," ani Michelle.

Read also

Izzy Trazona, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak at asawa

Nagbigay din ng kanyang saloobin si Bea ukol dito.

"I used to not believe in marriage. There was a time in my life, na-share ko nga sa vlog, na hindi ako naniniwala na sa marriage. But nung dumating si Dom, at tinanong niya ako... Suddenly, it felt right! It felt like I was doing the right thing,” ani Bea.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Samantala, July 18 nang kasalukuyang taon nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Read also

Michelle Madrigal, iiwas daw muna sa social media para sa kanyang mental health

Ilang mga post nina Bea at fiancé nitong si Dominic Roque ang nagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa na rito ang post ni Bea kung saan hindi napigilang magkomento ni Dominic ng 'ganda naman nito' na nagpakilig hindi lang sa kanilang fans kundi maging sa ibang mga nakakita ng post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel