Izzy Trazona, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak at asawa

Izzy Trazona, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak at asawa

- Nag-post si Izzy Trazona ng family picture nila kung saan kasama niya ang mister

- Kasama niya rin ang kanilang apat na anak ng asawa niyang si Alvin Aragon

- Kamakailan ay nag-post din si Izzy ng mensahe para sa mga natatanggap na message at prayers sa gitna ng pinagdadaanan niya

- Aniya, siya ay amazingly at peace dahil alam niyang naroroon ang Panginoon para sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Izzy Trazona ang picture nila ng kanyang mga anak at asawa. Kasama niya sa picture ang apat na anak nila ng kanyang asawang si Alvin Aragon.

Izzy Trazona, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak at asawa
Izzy Trazona, ibinida ang picture niya kasama ang mga anak at asawa (@izzytrazona_aragon)
Source: Instagram

Nagbahagi din si Izzy ng kanyang pasasalamat sa mensahe ng suporta sa kanya matapos ang isyu kaugnay sa kanila ng anak niyang si Andrei Trazona. Aniya, siya ay amazingly at peace dahil alam niyang naroroon ang Panginoon para sa kanya.

Read also

Michelle Madrigal, iiwas daw muna sa social media para sa kanyang mental health

Thank you Lord for another day! For all the messages, sobrang daming nag pm, thank you with all my heart sa concern and prayers! And even testimonies of how the Lord worked and changed your lives! Sobrang daming encouraging messages! Marami pong salamat Keep the faith! ❤️
I’am amazingly at peace, the Lord is my shield! I am continously praying and full of hope

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime show na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) at Bakit Papa? (2002).

February 2012 nang ikasal siya sa Starstruck season 1 avenger na si Alvin Aragon. Nabiyayaan ang mag-asawa ng tatlong anak na kanilang pinangalanang sina Andrei Dewey Trazona, Yanna, at Zoey. Bukod kay Izzy, may mga sariling pamilya na rin sina Jopay Paguia at ang tinuturing na leader ng grupo na si Rochelle Pangilinan.

Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya. Sa kanyang Instagram post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan. Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan. Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel