Bea Alonzo, ibinidang ipinagpaplantsa siya ni Dominic: "ganyan po siya magmahal"

Bea Alonzo, ibinidang ipinagpaplantsa siya ni Dominic: "ganyan po siya magmahal"

- Ibinida ni Bea Alonzo ang maiksing video ng kanyang fiancé na si Dominic Roque

- Makikitang nagpaplantsa si Dominic at ito raw umano ay damit ni Bea

- Matapos kasi ang GMA gala night ay nagtungo ang dalawa sa Singapore

- Ipinagdiwang nila ang kanilang engagement at birthday ni Dominic

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Bea Alonzo ang ilang mga kaganapan nang maisipan nila ng kanyang fiancé na si Dominic Roque na mag-food trip sa Singapore.

Dominc and Bea
Dominic Roque and Bea Alonzo
Source: Instagram

Sa isang maiksing video sa kanyang Instagram, ipinakita rin ni Bea kung paano siya alagaan ng kanyang soon to be husband na si Dominic. Hindi pa man kasi sila kasal ay ganoon na lamang ang pag-aalaga ni Dominc kay Bea.

"Check out the clip where he was ironing my clothes, ganyan po sya magmahal"

Read also

Heart Evangelista, binahagi ang awiting "Look What You Made Me do"

Kwento ng aktres, matapos ang GMA gala night kamakailan ay dumiretso na sila ni Dominic sa flight nila patungong Singapore.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"We celebrated his bday and our recent engagement. Literal na tumakbo sa airport after the GMA Gala. We barely made it to our flight!"

Narito ang kabuuan ng kanilang quick Singapore getaway mula sa Instagram ni Bea Alonzo:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Naging usap-usapan ang panayam noon ni Mariel Rodriguez kay Bea dahil sa mga naging rebelasyon ng aktres. Isa na rito ay ang naging karelasyon umano niya na halos araw-araw ay binabantayan ang kanyang timbang.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

July 18 ng kasalukuyang taon naganap ang surprise proposal ni Dominic kay Bea. Marami ang ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Samantala, ilang mga post nina Bea at fiancé nitong si Dominic Roque ang nagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa na rito ang post ni Bea kung saan hindi napigilang magkomento ni Dominic ng 'ganda naman nito' na nagpakilig hindi lang sa kanilang fans kundi maging sa ibang mga nakakita ng post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel