Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

- Sinagot ni Valentine Rosales ang mensahe ni MJ Lastimosa kaugnay sa napanood niyang Barbie movie

- Sinabi ni MJ na sobrang waley daw ang naturang pelikula at nasayang ang kanyang P600

- Hirit naman ni Valentine, baka daw hindi naintindihan ni MJ ang pelikula dahil di daw ito nagsama ng translator sa sinehan

- Sa kasalukuyan ay burado na ang tweet na ito ni MJ na talaga namang umani ng mga komento at opinyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Valentine Rosales, baka kaya hindi nagustuhan ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ang pelikulang Barbie ay dahil hindi nito naintindihan ang pelikula dahil di raw ito nagsama ng translator sa sinehan.

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"
Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"
Source: Instagram

Ani Valentine, kaya may tinatawag na unpopular opinion dahil aniya sa kasalukuyan ay nangungunang pelikula ang Barbie sa buong mundo.

Read also

MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore"

Di siguro naintindihan english kasi yung movie di nag sama ng translator sa Cinehan, well Opinion mo yan we respect it. Kaya may sinasabing the Unpopular opinion kasi Barbie is currently the number 1 movie worldwide as of this moment
Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"
Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binura na ni MJ ang naturang tweet na talaga namang umani ng mga komento at opinyon.

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Kasunod ng kanyang pagsasalita kaugnay sa pagtatanggol niya sa kanyang kaibigan, isang video ang binahagi ni Valentine. Base sa kanyang binahaging video ay kuha ito sa club at kasama niya ang kanyang kaibigan. Nilagay niya sa kanyang video ang mga salitang, "Walang sipaang magaganap for tonight video". Matatandaang sa unang tweet niya ay binahagi ni Valentine ang pag-uusap nila ng kaibigan na kanyang pinagtanggol.

Read also

MJ Lastimosa matapos mapanood ang pelikulang Barbie: "Sayang 600 ko"

Muling naging usap-usapan si Valentine matapos mapansin ng netizens ang kanyang komento sa isang Facebook post ng Mega Magazine. Ito ay picture na kuha mula sa katatapos lang na photoshoot ng Star Magic stars na kinabibilangan nina Jayda Avanzado, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad. Sa kanyang komento ay ginaya nito ang mga sinabi ni Andrea sa isang viral video na kuha sa Siargao kamakailan. Sa mismong Facebook page niya ay binahagi niya ang naturang video at sinabi niyang hindi niya umano kaya yung ganoon ka-ipit na boses.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel