Valentine Rosales, binahagi ang video kasama ang kanyang kaibigan

Valentine Rosales, binahagi ang video kasama ang kanyang kaibigan

- Kasunod ng kanyang pagsasalita kaugnay sa pagtatanggol niya sa kanyang kaibigan, isang video ang binahagi ni Valentine Rosales

- Base sa kanyang binahaging video ay kuha ito sa club at kasama niya ang kanyang kaibigan

- Nilagay niya sa kanyang video ang mga salitang, "Walang sipaang magaganap for tonight video"

- Matatandaang sa unang tweet niya ay binahagi ni Valentine ang pag-uusap nila ng kaibigan na kanyang pinagtanggol

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa isang video kung saan may nakasulat na "Walang sipaang magaganap for tonight video," muling binahagi ni Valentine Rosales ang kanyang suporta sa kaibigan. Matatandaang sa unang tweet niya ay binahagi ni Valentine ang screenshot ng naging pag-uusap nila ng kaibigan.

Valentine Rosales, binahagi ang video kasama ang kanyang kaibigan
Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

Base sa kanyang binahaging video ay kuha ito sa club at kasama niya ang kanyang kaibigan. Nagbigay din siya ng pahayag kaugnay sa isyu sa pamamagitan ng isang online entertainment news and lifestyle website.

Read also

Kim Chiu, masaya sa pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime

Kamakailan ay ni-retweet ni Valentine ang tweet ni Awra Briguela kaugnay sa taong aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat. Buwelta ni Valentine, pinatamaan umano ni Awra yung sarili niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa kanyang Facebook post, sinabi niya rin na sana ay huwag dalhin ang ugali nito sa loob ng club dahil wala umano sila sa boxing arena. Umabot na sa libo-libong shares ang kanyang post kaugnay dito. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Aniya ay hindi niya hahayaang inaapi ang kaibigan niya. Kasalukuyang nasa popular search pa rin ang pangalan ni Valentine sa social media kasunod ng kanyang mga patutsada.

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Read also

Valentine Rosales sa patutsada ni Awra Briguela: "Pinatamaan yung sarili niya"

Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, naging usap-usapan din si Valentine sa kanyang kontrobersiyal na post na aniya ay kanyang karanasan sa loob ng isang convenience store sa kasagsagan ng pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon.

Kinalaunan ay inihingi din niya ng dispensa ang kanyang binahaging post na talaga namang umani ng samu't-saring reaksiyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel