Valentine Rosales sa patutsada ni Awra Briguela: "Pinatamaan yung sarili niya"

Valentine Rosales sa patutsada ni Awra Briguela: "Pinatamaan yung sarili niya"

- Matapos ang kanyang matapang na pahayag kaugnay sa umano'y pananakit sa kanyang kaibigan, sunod-sunod din ang tweet ni Awra Briguela

- Isa sa naging tweet ni Awra ay tungkol sa isang taong aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat

- Ni-retweet ito ni Valentine Rosales kalakip ng kanyang tweet na pinatamaan umano ni Awra yung sarili niya

- Matatandaang sa unang tweet niya ay binahagi ni Valentine ang pag-uusap nila ng kaibigan na kanyang pinagtanggol

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ni-retweet ni Valentine Rosales ang tweet ni Awra Briguela kaugnay sa taong aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat. Buwelta ni Valentine, pinatamaan umano ni Awra yung sarili niya.

Valentine Rosales sa patutsada ni Awra Briguela: "Pinatamaan yung sarili niya"
Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

Matatandaang sa kanyang Facebook post, sinabi niya rin na sana ay huwag dalhin ang ugali nito sa loob ng club dahil wala umano sila sa boxing arena. Umabot na sa libo-libong shares ang kanyang post kaugnay dito. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Read also

Awra Briguela, pinaringgan ang aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat

Aniya ay hindi niya hahayaang inaapi ang kaibigan niya. Kasalukuyang nasa popular search ang pangalan ni Valentine sa social media kasunod ng kanyang patutsada.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makikita sa ibinhaging screenshot ni Valentine ang pag-uusap nila ng kaibigangang nagpapasalamat sa kanya dahil pinagtanggol siya nito. Siya umano ang lalaban para sa kaibigan dahil ayos lang sa kanya na ma-bash dahil sanay na umano siya na ma-bash.

Samantala, sa kanyang tweet ay inihayag ni Awra Briguela ang kanyang pagmamahal at suporta sa kanyang malapit na kaibigang si Zeinab Harake. Pinaringgan din nito ang taong hindi na niya pinangalanan na aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat.

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Read also

Valentine Rosales, binahagi ang mensahe ng kaibigang kanyang pinagtanggol

Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, naging usap-usapan din si Valentine sa kanyang kontrobersiyal na post na aniya ay kanyang karanasan sa loob ng isang convenience store sa kasagsagan ng pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon.

Kinalaunan ay inihingi din niya ng dispensa ang kanyang binahaging post na talaga namang umani ng samu't-saring reaksiyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel