Valentine Rosales ng Dacera case, muling nag-viral dahil sa umano'y insidente sa 7-Eleven

Valentine Rosales ng Dacera case, muling nag-viral dahil sa umano'y insidente sa 7-Eleven

- Muling nag-viral si Valentine Rosales, ang isa sa mga nasangkot di umano sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera

- Ito ay dahil sa viral post niya patungkol sa umano'y naganap sa 7-eleven sa Cubao

- Aniya, isang lalaki ang umano'y kumuha at di nagbayad ng inumin na nakalagay sa cup kung saan si presidential candidate Bongbong Marcos ang nakalagay

- Sinabi rin niyang isa siyang 'Kakampink' at suportado niya ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pagtakbo nito sa pagka-pangulo ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling gumawa ng ingay sa social media si Valentine Rosales na isa sa mga nasangkot 'di umano sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Valentine Rosales ng Dacera case, muling nag-viral dahil sa umano'y insidente sa 7-eleven
Valentine Rosales ng Dacera case, muling nag-viral dahil sa umano'y insidente sa 7-eleven
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naging usap-usapang ang post ni Valentine noong Marso 13 kung saan ibinahagi nito ang kanyang naging karansan sa isang convenience store malapit sa Ali mall Cubao.

Read also

Mayor Sara Duterte, desidido nang hindi dadalo sa mga Vice Presidential debates

"Story Time:
"Incident kanina sa 7/11 Near Alimall Cubao Branch sa may UCPB katapat ng SM Super Market

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Namili ako ng chips and korean noodles kanina sa 7/11 around 1pm, Tapos may pumasok na lalaki madaling madali kumuha ng drinks sa Vending Machine. Sama pa ng tingin sakin porket Leni yung hawak hawak kong baso, Then pagka kuha niya ng milktea na drink bigla siya umalis, tapos nung patapos na ko kumuha ng Drink nilapitan ako ni Kuya Cashier sabi niya Sir kasama niyo po ba yung lalaking lumabas? Sabi ko sino po? Mag isa lang po ako dito. Sabi niya kumuha daw kasi ng drinks tapos di nag bayad. Sabi ko yun ba yung pandak na naka black tapos medjo panot."
"Natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko “yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?” Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh."

Read also

Pangulong Duterte sa katangian ng susunod na presidente: "Sana Abogado"

Binayaran na rin umano ni Valentine ang nakuha ng lalaki na halagang Php35.
"Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier," pagtatapos ng kanyang post.

Paumalo na sa halos 100k ang reactions ng naturang post at mayroon na rin itong 23,000 shares.

Narito ang kabuuan ng kanyang salaysay:

Isa si Valentine Rosales sa mga kaibigan na nakasama ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 ng 2021.

Samantala, Pebrero ng kasalukuyang taon, tuluyan nang ibinasura ng korte ang lahat ng kasong may kaugnayan sa pagkamatay ni Dacera.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel