Lahat ng kaso kaugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera, ibinasura na ng DOJ

Lahat ng kaso kaugnay sa pagkamatay ni Christine Dacera, ibinasura na ng DOJ

- Tuluyan nang ibinasura ang anumang kaso na may kaugnayan sa kontrobersyal na pagkamatay ni Christine Dacera

- Mismong ang Department of Justice ang nag-anunsiyo ngayong Pebrero 7 ang dismissal ng kasong isinampa ng ina ng flight attendant laban sa mga akusado

- Maging ang counter-complaints ng mga akusado ay ibinasura na rin ng Makati Prosecutor's office

- Matatandaang Enero ng 2021 nang gumulantang sa publiko ang pagkamatay ng flight attendant sa isang hotel sa Makati City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ngayong Pebrero 7, tuluyan nang ibinasura ang anumang kasong may kaugnayan sa kontrobersiyal na pagkamatay ng noo'y 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.

Nalaman ng KAMI na mismong Department of Justice (DOJ) ang nag-anunsiyo ng dismissal ng mga reklamong drug violation, perjury, obstruction of justice, falsification at libel.

Anumang kaso kaugnay sa pagkamatay ng ni Christine Dacera, ibinasura na ng DOJ
Christine Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

Ayon sa Rappler, ang mga ito ay pawang isinampa ng ina ng flight attendant na si Sharon Dacera.

Read also

Luis Manzano, binuking na may girlfriend na ang kapatid na si Ryan Recto

"The cases mentioned in the briefer are the only cases involving Christine Dacera," pahayag ni Emmeline Villar, DOJ Spokesperson undersecretary.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"There was no proof or evidence that could establish the alleged administration of any illegal drug into the body of Christine Dacera,” dagdag pa ng DOJ.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, wala umanong ebidensyang nagdala o gumamit ng ilegal ng droga si Mark Anthony Rosales gayundin ang ang reklamong reckless imprudence resulting in homicidé laban kina John Pascual Dela Serna, Jezreel Rapinan, Alain Chen at Louis De Lima. Ito ay base sa pinakahuling resolusyon ng Makati Prosecutor's Office noong Enero 31 ng kasalukuyang taon.

"There was no proof that said respondents were recklessly imprudent in failing to bring immediate medical attention to Dacera and that the same caused her death. Evidence suggested that respondents performed CPR immediately upon noticing Dacera’s perilous state and sought help from the hotel lobby," dagdag pa ng DOJ.

Read also

Kampo ni Andrea Brillantes, nilinaw ang viral pic: "We condemn those who are quick to judge"

Maging ang counter complaint ng mga akusado ay ibinasura na rin ng Makati Prosecutors.

Sa ulat ng GMA News, absuwelto na rin sina Rosales, Galido, Dela Serna, Macalla, Rapinan, Gregorio Angelo Rafael De Guzma, Alain D. Chen, Reymar Englis, at maging si Atty. Neptali G. Maroto. "They were simply protecting their rights within the bounds of the law," base sa pahayag.

Tanghali ng Enero 1, 2021 nang matagpuang wala nang buhay si Christine Dacera sa bathtub ng silid kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon sa City Garden Grand Hotel.

Agad pa noong inaresto ang tatlo sa mga nakasama ni Dacera subalit napalaya rin ang mga ito dahil umano sa kakulangan ng ebidensya.

Noong Marso, ilang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang flight attendant ay naghain na rin ng counter charges ang 11 na mga akusado sa kaso.

Abril ng nakalipas lamang na taon, ibinasura ang kasong rapé at homicidé sa mga akusado dahil sa kakulangan umano ng probable cause.

Read also

Ina ng Maguad siblings, nadurog ang puso nang makita ang lagay ng mga suspek

Matatandaang sa unang inilabas na medico-legal ng Philippine National Police, raptured aortic anéurysm ang umano'y ikinamatay ng flight attendant.

Kamakailan ay kinumusta ni Boy Abunda ang ilan sa mga akusado na tila nabago ang buhay mula nang mangyari ang kontrobersiya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica