Awra Briguela, pinaringgan ang aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat

Awra Briguela, pinaringgan ang aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat

- Sunod-sunod ang naging tweet ni Awra Briguela sa kasagsagan ng mainit na isyung kinakaharap ng malapit na kaibigan niyang si Zeinab Harake

- Inihayag niya ang kanyang suporta para kay Zeinab sa pamamagitan ng isang tweet kung saan naka-tag pa si Zeinab

- Pinaringgan din nito ang taong aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat

- Isa lamang si Awra sa mga kilalang malapit na kaibigan ng content creator at social media influencer na si Zeinab

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang tweet ay inihayag ni Awra Briguela ang kanyang pagmamahal at suporta sa kanyang malapit na kaibigang si Zeinab Harake. Pinaringgan din nito ang taong hindi na niya pinangalanan na aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat.

Awra Briguela, pinaringgan ang aniya'y paepal na nakikisali sa issue para sumikat
Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Ito ay sa kasagsagan ng isyung kinasasangkutan ng kanyang kaibigang si Zeinab na naging sentro ng kontrobersiya kasunod ng paglabas ng isyu kaugnay sa umano'y kaganapan sa isang club.

Isa din si Awra sa dumamay kay Zeinab noong nakunan ito sa pangalawang anak nila ni Skusta Clee. Matatandaang ilang beses na naging emosyonal si Zeinab sa kanyang mga vlog tuwing nababanggit niya ang kanyang baby na pinangalanan niyang Moon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Base sa kwento ni Zeinab, sobra siyang namromblema lalo na nang nalaman niya ang tungkol sa panloloko umano sa kanya ng kanyang ex-boyfriend na si Skusta Clee na aniya ay inamin din nito kinalaunan.

Sa isa pang tweet ay nabanggit ni Awra ang tungkol sa aniya'y mga homewrecker.

Iba na talaga mga home wrecker ngayon sila pa yung matatapang.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos magviral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz.

Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noon. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel