Valentine Rosales, umalma sa umano'y pananakit sa kanyang kaibigan

Valentine Rosales, umalma sa umano'y pananakit sa kanyang kaibigan

- Muling umani ng mga komento ang social media post ni Valentine Rosales kung saan umalma siya sa umano'y pananakit sa kanyang kaibigan

- Nabanggit niya rin ang pangalang Zeinab na umano'y siyang nanipa sa kaibigan niyang hindi na niya pinangalanan

- Sinabi niya rin na sana ay huwag dalhin ang ugali nito sa loob ng club dahil wala umano sila sa boxing arena

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Kasalukuyang nasa popular search ang pangalan ni Valentine sa social media kasunod ng kanyang patutsada

Umalma si Valentine Rosales sa pananakit umano sa kanyang kaibigan. Aniya walang karapatan si Zeinab na sipain ang kanyang kaibigan.

Valentine Rosales, umalma sa umano'y pananakit sa kanyang kaibigan
Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, sinabi niya rin na sana ay huwag dalhin ang ugali nito sa loob ng club dahil wala umano sila sa boxing arena. Umabot na sa mahigit 3K shares ang kanyang post kaugnay dito. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Aniya ay hindi niya hahayaang inaapi ang kaibigan niya. Kasalukuyang nasa popular search ang pangalan ni Valentine sa social media kasunod ng kanyang patutsada.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Grabe ka Zeinab Karate nanakit? Bat kailangan mo sipain yung friend ko? Wala kang karapatan! Di ka ba madaan sa maayos na usap? Wag mo naman dalhin yung ugali mong yan sa loob ng club. Wala po kayo sa boxing arena para gawin yan ok? Di ako papayag na inaalipusta ang kaibigan ko

Hindi bukas sa publiko ang makapag-iwan ng komento sa kanyang post. Makikita naman sa kanyang Instagram stories ang ilang video clips kasama ang kanyang mga kaibigan na tila kuha sa isang club.

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, naging usap-usapan din si Valentine sa kanyang kontrobersiyal na post na aniya ay kanyang karanasan sa loob ng isang convenience store sa kasagsagan ng pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon.

Kinalaunan ay inihingi din niya ng dispensa ang kanyang binahaging post na talaga namang umani ng samu't-saring reaksiyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel