Kyle Echarri, proud umano kina Francine Diaz at Seth Fedelin

Kyle Echarri, proud umano kina Francine Diaz at Seth Fedelin

- Matapos ang pagbati ni Andrea Brillantes kamakailan kay Seth Fedelin sa bagong show nila ni Francine Diaz na Dirty Linen, si Kyle Echarri naman ang naghayag ng kanyang pagsuporta

- Sa isang panayam ay sinabi niyang proud at masaya siya para sa kanyang mga kaibigan

- Naniniwala siyang alam umano ng kanilang management kung ano ang mas makakabuti para sa kanila

- Hinimok niya din ang mga tagasuporta nila at maging ng tambalan nila ni Francine na tanggapin at suportahan ang bagong tambalan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa panayam ng celebrity writer na si Melba Llanera kay Kyle Echarri, naibahagi nito ang kanyang saloobin kaugnay sa pagtatambal ng kanyang mga kaibigang sina Francine Diaz at Seth Fedelin. Naniniwala siyang alam umano ng kanilang management kung ano ang mas makakabuti para sa kanila.

Kyle Echarri, proud umano kina Francine Diaz at Seth Fedelin
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Matatandaang binati ni Andrea Brillantes si Seth kasunod ng pagsasapubliko ng bagong serye nila ni Francine. Para naman kay Kyle, masaya siya para sa dalawa.

"Masaya naman ako para sa kanilang dalawa. Kung sa tingin ng management na dapat sila ‘yung magkasama sa project, alam naman ng management kung anong ikabubuti namin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hinimok niya din ang mga tagasuporta nila at maging ng tambalan nila ni Francine na tanggapin at suportahan ang bagong tambalan

"Matuto lang po tayo maging happy para sa kasiyahan ng iba," he said. "We’re all just focusing on work, more than anything. Nagtatrabaho lamang po kami, sana tanggapin niyo rin po ‘yun. Huwag po kayong magalit sa’min kasi parte po ‘yun ng trabaho namin."

Panuorin ang kabuuan ng pahayag niya dito:

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Matatandaang naging kotrobersiyal ang picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine. Naging ugat ito ng bangayan sa pagitan ng tagasuporta nina Francine at Andrea kamakailan. May lumabas ding balita tungkol sa umano'y panunugod ni Andrea kay Francine sa dressing room.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel