Freddie Aguilar, proud na ibinida ang kanyang 'bhabe' sa netizens

Freddie Aguilar, proud na ibinida ang kanyang 'bhabe' sa netizens

- Sa kanyang Facebook post ay buong pagmamalaking binahagi ni Freddie Aguilar ang pictures nila ng kanyang misis

- Ibinida niya sa mga netizens ang kanyang "bhabe" na kasama niya kamakailan sa lunchdate

- Marami naman ang napa-"sana all" sa pinakitang sweetness ng mag-asawa sa mga binahaging social media posts ng mang-aawit

- Matatandaang ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Freddie Aguilar ang kanilang pictures na mag-asawa na kuha umano sa kanilang lunchdate. Marami naman ang napa-"sana all" sa pinakitang sweetness ng mag-asawa sa mga binahaging social media posts ng mang-aawit.

Freddie Aguilar, proud na ibinida ang kanyang 'bhabe' sa netizens
Jovi Gatdula Albao at Freddie Aguilar
Source: Facebook

Sa isa pang post ay binahagi naman niya ang katangian ng kanyang misis na mahilig umanong mag-joke ngunit bago umano niya matapos ang kanyang joke ay mauuna muna itong tatawa.

Read also

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

Alam nyo ba na si misis ay mahilig mag joke? Pero bago nya matapos ang joke nya mauuna muna syang tumawa

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang naunang post ay inihayag ni Ka Freddie ang kanyang pagmamahal sa kanyang 'bhabe.'

Lunch date kami ni bhabe❤️kanina lang sa Italianis UP Town Center. Love you bhabe ko

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

Stay in-love Ka Freddie Aguilar at gawa ka ulit ng mga kantang makabayan at kantang mapagmahal.
Ang blooming mo girl! Ibig sabihin lang nyan genuine love ang pag sasama nila, hindi rin mukhang haggard si Sir Fred. Ganyan pag stress free
Stay inlove po! Sana all! hehe love you ate Jovie. Silent follower mo ko sa tiktok. Stay pretty po. Huwag mo na pansinin mga basher inggit lang yan sila.

Si Freddie Aguilar o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buha ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila.

Read also

Kyle Echarri, proud umano kina Francine Diaz at Seth Fedelin

Ikinasal siya sa unang asawa na si Josephine Queipo noong 1978 at nabiyayaan sila ng apat na anak. Sila ay sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko.

Isinapubliko na mang-aawit ang kanyang relasyon sa kasalukuyang asawa niya noong October 17, 2013. Ikinasal sila ni Jovi Gatdula Albao noong November 22, 2013 sa Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.

Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel