Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

- Nagsalita na si Ogie Diaz kaugnay sa napababalitang hindi na umano siya ang manager ni Liza Soberano

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Binigyang linaw niya at kinumpirmang hanggang May 31 na lamang ngayong taon ang gampanin niya bilang manager ng aktres

- Aniya, maayos itong nagpaalam at hinangaan din niya ang respeto at pagpapahalaga ng aktres sa kanilang pinagsamahan

- Nabanggit din ni Ogie Diaz ang plano ni Liza Soberano na pasukin ang Hollywood

Nagsalita na si Ogie Diaz kaugnay sa napapabalitang hindi na umano siya ang manager ng aktres na si Liza Soberano.

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano; "Hanggang May 31, 2022 pa po"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nalaman ng KAMI na binigyang linaw ito ni Ogie D sa pinakabagong episode ng kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

Read also

Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

Kinumpirma niyang hanggang Mayo 31 ngayong taon na lamang ang kontrata nila ng aktres.

"Kasi noong nag-zoom meeting kami, tinanong ko siya kung 'nak, gusto mo bang mag-renew sa akin? Tapos siyempre pag-iisipan niya 'yan. So sabi ko sa sarili ko, wala na akong utang sa sarili ko dahil nasabi ko na ang intensyon kong mag-renew"

Aniya, maayos na nagpaalam sa kanya si Liza sa pamamagitan ng isang mahabang Viber message.

"Pero nag-decide na si Liza na hindi na mag-renew thru a long viber message. Magalang naman 'yung bata."
"Kapag may nagpapaalam sa akin na aalis na, go... go. Ang sini-save ko kasi 'yung friendship. Kasi alam mo yung haba ng panahon na pinagsamahan ninyo, hindi mo dapat sayangin nun... HIndi doon nagtatapos ang relasyon."
"Hindi na po masama 'yung 11 years na pagsasama na nabuo naming relasyon ng bata bilang ako 'yung pangalawang ama niya"

Lubos niyang naiintindihan ang panig ng aktres at hinangaan din niya ang pagpapahalaga nito sa nasimulan nila sa kanyang career at pangalan sa showbiz bilang si 'Liza Soberano.'

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

Suportado niya ang target umano ng aktres na pasukin ang mundo ng Hollywood na aminado siyang hindi niya umano gamay kaya naman maayos niya itong ipinaubaya sa bago nitong management.

Gayunpaman, sa kabila ng mga magiging pagbabagong ito, maayos pa rin ang kanilang samahan lalo na at tumayo siya bilang ikalawang ama ni Liza sa loob ng labing-isang taon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas umano na makitang magkasama sa Amerika.

Nilinaw niyang umalis ang dalawa kasama ang kanilang grupo at wala umanong katotohanan na naghiwalay na ang aktres kay Enrique Gil.

Matapos ito, nabanggit niya ang Hollywood dream ni Liza na tila unti-unti na nitong sinisimulan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel