Ogie Diaz, umalma sa umano'y pekeng poster patungkol kay VP Leni Robredo

Ogie Diaz, umalma sa umano'y pekeng poster patungkol kay VP Leni Robredo

- Nagbigay komento si Ogie Diaz patungkol sa mga umano'y kumakalat na placard at posters patungkol sa VP Leni Robredo

- Aniya, pekeng larawan umano ito para siraan lamang ang bise presidenteng tumatakbp sa pagka-pangulo

- Tila paraaan daw ito ng kalaban upang babuyin ang pangalan ng sinusuportahan niyang presidential candidate

- Iminungkahi pa niya na imbis na manira, ilatag na lamang umano ng mga bashers na ito ang achievement ng kanilang kandidato

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umalma si Ogie Diaz sa umano'y kumakalat ngayon na poster patungkol kay Vice President Leni Robredo na tumatakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa darating na halalan sa Mayo.

Ogie Diaz, umalma sa umano'y pekeng posters patungkol kay VP Leni Robredo
Ogie Diaz, umalma sa umano'y pekeng posters patungkol kay VP Leni Robredo (Ogie Diaz)
Source: Facebook

Nasabi ni Ogie D na tila gawa-gawa lamang ito ng mga umano'y kumakalaban kay VP Leni.

Mapapansin kasi sa mga larawan na tila pinalitan lamang ito gayung parang wala nang makikitang naghahawakl nito.

Read also

Video ng lola na naiyak habang nag-aabang kay VP Leni, viral

"GAGAWA NG PEKENG LARAWAN PARA MAGALIT ANG MGA TAO KAY VP," pahayag ni Ogie sa kanyang socmed post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, sa halip na siraan, ilatag na lamang umano ng mga kumakalaban kay VP ang kanilang mga achievements.

Narito ang kabuuan ng post mula mismo sa Facebook page ni Ogie Diaz:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Kamakailan, nag-trending ang pagho-host ni Ogie D ng "Leni-Kiko" tandem sa Iloilo.

Tinatayang mahigit 25,000 na katao ang umano'y nakadalo sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem. Una na rin silang pumunta sa Cebu bago ang kanilang kampanya sa Iloilo.

Read also

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

Gayundin ang pagho-host ni Ogie D sa campaign rally ng mga Kakampink sa Bulacan na dinaluhan naman ng nasa 45,000 na supporters ng grupo nina "Leni at Kiko."

Isa umano si Ogie Diaz sa mga kilalang personalidad na sumasama sa mga campaign rally ng mga 'Kakampink' at wala umano silang tinatanggap na kahit anong kabayaran para sa kanilang pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica