Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila

- Mabilis na kumalat ang larawan nina Paolo Contis at Yen Santos na kuha umano sa isang mall

- Ito ay sa kabila ng nababalitang hiwalay na umano sila ng aktres kahit walang pag-amin sa panig ng dalawa

- Matatandaang minsang natalakay na sa Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi ang umano'y hiwalayan nina Paolo at Yen

- Agosto ng 2021 nang umugong ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis na naging hudyat ng pangingibang-bansa ng aktres kasama ang mga anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na kumalat ang larawan ng aktor na si Paolo Contis at ng kanyang rumored girlfriend na si Yen Santos.

Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila
Paolo at Yen, 'HHWW' sa isang mall sa kabila umano ng balitang hiwalay na sila (@paolo_contis)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha raw umano ito kamakailan sa isang mall.

Mapapansing 'holding hands while walking' pa ang dalawa taliwas na bali-balitang nagkahiwalay na umano sila

Read also

Pag-I do ng ikinakasal, kasabay ng pag-alboroto ng Bulkang Taal

Matatandaang sa Showbiz Update nina Ogie Diaz at Mama Loi, napag-usapan nila ang umano'y pagtatapos na ng sinasabing relasyon nina Yen at Paolo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon umano sa source ni Mama Loi, tapos na ang relasyon ng "A Faraway Land" lead stars kahit walang diretsahang pag-amin sa magkabilang panig.

Kaya naman natanong ni Ogie Diaz si Paolo kung totoo ang balitang wala na nga sila ni Yen. Wala namang inilabas na pahayag ang aktor ukol dito.

Samantala, narito ang mga larawang naibahagi rin ng The Scoop:

Si Paolo Contis ay isang aktor sa Pilipinas. Nagsimula siya bilang child actor at napabilang sila sa sitcom ni Aga Muhlach na 'Oki Dok'. Bahagi rin siya ng Youth-Oriented variety show na 'Ang TV.'

Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto noong 2021, kinumpirma ng aktres na si LJ Reyes na hiwalay na sila ni Paolo Contis na siyang ama ng anak niyang si Summer.

Read also

Ogie Diaz, umalma sa umano'y pekeng poster patungkol kay VP Leni Robredo

Nasa ibang bansa na si LJ nang magkaroon siya ng exclusive interview kay Boy Abunda at nakapagbigay ng ilang mga detalye sa kanilang hiwalayan.

Sa ngayon, masayang namumuhay sina LJ at kanyang mga anak na sina Aki at Summer sa Amerika.

Sa kanyang mga post sa social media, makikitang nag-eenjoy ang mag-iina kasama ang iba pa nilang mga mahal sa buhay kahit malayo na sila sa Pilipinas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel