Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

- Isa sa natalakay nina Cristy Fermin ay ang naging reaksyon ni Frankie Pangilinan sa naging resulta ng Halalan 2022

- Bukod pa rito, nagbitiw din siya umano ng salita patungkol sa malaking lamang ng ngayo'y presumptive president Bongbong Marcos sa katunggali nitong si Leni Robredo

- Matatandaang ang ama ni Frankie ay si Kiko Pangilinan na ka-tandem ni Robredo

- Ayon pa kay Cristy, naiisip din nila ang reaksyon naman ng ina ni Frankie na si Megastar Sharon Cuneta ukol dito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakapagtataka raw umano ang naging reaksyon ni Frankie Pangilinan sa resulta ng Halalan 2022 partikular na sa lumamang na Pangulo na may mahigit 31 million votes na si dating senator Bongbong Marcos.

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"
Cristy Fermin (Photo: Showbiz Now Na!"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na halos hindi makapaniwala si Cristy Fermin sa umano'y nabitawang mga salita ni Kakie.

Read also

Angel Locsin, muling pinuri ni Cristy Fermin; "Ang utak niya nasa tamang lugar"

Matatandaang nai-post ni Kakie ang panayam sa kanya kung saan nabanggit niyang hindi siya umano makapapayag na "Ferdinand Marcos" muli ang pangalan ng magiging pangulo ng bansa.

Sa bagong episode ng Showbiz Now Na! naibahagi rin nila ang larawan ni Kakie na may indelible ink sa kanyang middle finger at hindi sa index finger na karaniwalang nilalagyan nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa mga ito, hindi raw nila maiwasang maisip kung ano ang saloobin naman ng Megastar sa mga nagawa umano ng anak nito.

"Meron po akong sasabihin, na magpapakatotoo lang po ako sa aking sarili. Pero ayaw ko pang magsalita ng tapos. Ayaw ko rin ping mampahiya ng kapwa ko... May karapatan ang magulang na idiretso ang mga pag-uugali ng anak"
"Naawa ako kay Sharon Cuneta. Hindi lang dahil kay Kakie. Sa sobrang galit ng ating mga kababayan dahil sa mga pinaggagawa... Sa kanya ngayon."

Read also

Herlene 'Hipon Girl' Budol, emosyonal sa makulit na birthday message niya kay Sir Wil

"Ang tanong pa ng mga kaibigan ko, hindi ba alam ng mag-asawa ang pinagagawa ng anak, jung saan nagpupupunta?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel Showbiz Now Na!

Kamakailan, nabigyang puri ni Cristy ang hosting skills ni Toni Gonzaga lalo na sa pagsampa nito sa entablado ng UniTeam. Aniya, wala raw kasi itong binabasa gaya ng teleprompter sa kanyang pagkampanya sa 'BBM-Sara tandem.'

Gayundin si Megastar Sharon Cuneta na kanyang binigyang puri rin dahil umano sa kilos nito na pang-edukadong tao talaga. Nakita raw ito sa campaign rally kung saan siya ang nagpakilala kay Maricel Soriano kahit na si presidential candidate Leni Robredo lang ang sinusuportahan 'di umano nito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel