Herlene 'Hipon Girl' Budol, emosyonal sa makulit na birthday message niya kay Sir Wil

Herlene 'Hipon Girl' Budol, emosyonal sa makulit na birthday message niya kay Sir Wil

- Emosyonal si Herlene "Hipon Girl' Budol sa naging birthday message niya sa manager na si Wilbert Tolentino

- Hindi nito napigilang maiyak nang mabigyan siya ng pagkakataong makapagpasalamat sa kanyang manager na nagbago umano ng kanyang buhay

- Gagawin din niya umano ang lahat para manalo sa Binibining Pilipinas hindi lang para sa kanya kundi para sa sakripisyo sa kanya ni Sir Wil

- Ngunit ang nakakaantig na tagpo ay napalitan nang tawanan nang sabihin din ni Herlene na 'wag pa munang mamatay ang kanyang manager

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maiyak ni Herlene 'Hipon Girl' nang hingan sila ng mensahe para sa kaarawan ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Herlene 'Hipon Girl' Budol, emosyonal sa makulit na birthday message niya kay Sir Wil
Herlene 'Hipon Girl' Budol (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa loob ng 30 segundo, hiningan ng mensahe ang ilang malalapit na tao kay 'Sir Wil.'

Read also

OFW na mahigit na apat na taon sa Saudi, may nakakakilig na marriage proposal sa nobya

Isa na nga rito si Hipon Girl, na agad na napaiyak sa simula pa lamang ng kanyang mensahe.

"Mima ikaw 'yung bumuo ng buhay ko. Kinumpleto mo po 'yung buhay ko," panimula ni Hipon Girl na agad na inabot ng kanyang 30 segundo ngunit kinumpleto niya ang kanyang mensahe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ipapanalo ko po 'yung laban hindi para sakin, para po sa sakripisyong binibigay niyo po sa amin,
"Mima, 'yung tulong mo sa pamilya ko. Sa saglit natin magkakilala sobra sobra po. Sobra kitang mahal, gagawin ko yung lahat para sa'yo... Sana 'wag kang mamatay," ang nasabi pa ni Herlene kaya naman ang emosyonal na tagpo ay nabalot ng tawanan.

Narito ang kabuuan ng mensahe ni Herlene mula sa YouTube channel ni Wilbert Tolentino:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon Girl" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Read also

Yeng Constantino, ipinakita ang napakagandang view mula sa kanilang farm

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Kamakailan, hinangaan din ng marami si Hipon Girl matapos na ipamigay nito ang lahat ng kanyang nahakot sa 1-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Kasalukuyan na siyang sumasailalim sa pangangalaga ni Wilbert Tolentino tulad na rin ng online personality at PBB celebrity housemate na si Madam Inutz.

Katunayan, nagkaroon na rin ng bagong sasakyan si Herlene nito lamang Marso na hindi niya akalaing mapapasa-kamay na niya agad.

Bukod sa showbiz at ang pagsabak sa Binibining Pilipinas, abala rin si Herlene sa kanyang mga negosyo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel