Herlene 'Hipon Girl' Budol, nagpasalamat sa mga "Wil" ng kanyang buhay

Herlene 'Hipon Girl' Budol, nagpasalamat sa mga "Wil" ng kanyang buhay

- Pinasalamatan ni Herlene 'Hipon Girl' Budol sina Willie Revillame at Wilbert Tolentino

- Sila umano ang mga 'Will' ng kanyang buhay na nagbigay ng oportunidad sa kanya

- Una rin daw tumawag sa kanya si Kuya Wil nang malamang pasok siya sa Binibining Pilipinas

- Ang manager naman niyang si Wilbert ang nakakita ng potensyal sa kanya sa pagpasok sa prestihiyosong beauty pageant

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay pugay si Herlene 'Hipon Girl' Budol sa dalawang 'Wil' sa kanyang buhay na siyang naging daan umano ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Herlene 'Hipon Girl' Budol, nagpasalamat sa mga "Wil" ng kanyang buhay
Herlene 'Hipon Girl' Budol, nagpasalamat sa mga "Wil" ng kanyang buhay
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa si Willie Revillame sa unang tumawag para batiin si Hipon Girl sa pagiging isa sa mga finalist ng Binibining Pilipinas 2022.

Ayon kay Herlene, magkahalong saya at pag-iyak ang kanyang reaksyon noon lalo na at si Willie ang naging daan upang tuluyan na siyang mapasok sa show business.

Read also

Jolina Magdangal, pinasalamatan si VP Leni sa kanyang late birthday greeting

"Tumawag sa akin si Kuya @willrevillame para e congratulate ako. isa rin karangalan din para sa akin na Kuya Wil eto noh..hehe masaya na may halong iyak ako habang kausap ko cya sa phone. dahil cya ang humulma sa akin at sobrang proud cya sa akin," ani Hipon Girl.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, natutuwa sa kanya si Willie gayung lagi niya itong pinasasalamatan at bibigyang pugay sa mga bagay na naitulong nito sa kanya.

Ngayon, isa na naman 'Wil' ang humuhulma sa kanya sa katauhan ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Ayon kay Hipon Girl, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Sir Wil' na naging daan para naman pasukin muli niya ang pageantry at ngayon, sa Binibining Pilipinas na.

"Ngayon naman another WIL ang nakakita din ng potential ko sa Pageant field. Kaya Salamat din kay @sirwil75 sa lahat lahat. in god's will tlga! lagi ko yan panalangin at pinagpepray na maging malakas ang kalusugan sa dalawang importanteng WIL sa buhay ko"

Read also

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon Girl" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Kamakailan, hinangaan din ng marami si Hipon Girl matapos na ipamigay nito ang lahat ng kanyang nahakot sa 1-minute shopping challenge sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Kasalukuyan na siyang sumasailalim sa pangangalaga ni Wilbert Tolentino tulad na rin ng online personality at PBB celebrity housemate na si Madam Inutz.

Katunayan, nagkaroon na rin ng bagong sasakyan si Herlene nito lamang Marso na hindi niya akalaing mapapasa-kamay na niya agad.

Bukod sa showbiz at ang paghahanda sa Binibining Pilipinas, abala rin si Herlene sa kanyang mga negosyo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel