Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

- Matapos niyang mag-shopping para sa kanyang sarili, isang challenge ang binigay ni Francine sa kanyang dalawang kaibigan

- Binigyan niya ang mga ito ng tig-iisang minuto para maghakot ng mga damit sa isang shop

- Umabot sa mahigit 88,000 ang binayaran ni Francine mula sa mga nahakot na damit ng kanyang dalawang kaibigan

- Marami naman ang humanga sa aktres sa pinakita nitong kabutihang loob sa mga taong malalapit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit P88,000 ang binayaran ni Francine Diaz matapos niyang paghakutin sa kanyang 1 minute hakot challenge ang kanyang friends. Marami ang humanga sa aktres sa pinakita nitong kabutihang loob sa mga taong malalapit sa kanya kahit pa hindi siya lumaking mayaman.

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

Ani Francine, naisip niyang isama ang dalawang taong malapit sa kanya dahil sa tulong ng mga ito na mapagaan para sa kanya ang mga bagay kahit pa sobrang dami niyang ginagawa.

Read also

Angeline Quinto, kasama ang makeup kit sa kanyang hospital bag

Dumadating talaga tayo sa point na sobra nating daming ganaps in life, ‘di na natin alam kung ano ang uunahin. But I’m grateful kasi because of my family, my friends and supporters na tumutulong sa’kin, gumagaan ang lahat ng bagay. That’s why naisip ko isama sa #SimplyFrancine vlog ang 2 malapit sa’kin, para gawin ang “HAKOT ALL YOU CAN IN 1 MINUTE” challenge. ✨ Naloka sila at naloka din ako sa bill. Char!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng "Kadenang Ginto" kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinahagi ang isang kubo mansion tour

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Matatandaang naging kotrobersiyal ang picture ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine. Naging ugat ito ng bangayan sa pagitan ng tagasuporta nina Francine at Andrea kamakailan. May lumabas ding balita tungkol sa umano'y panunugod ni Andrea kay Francine sa dressing room

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel