Angeline Quinto, kasama ang makeup kit sa kanyang hospital bag

Angeline Quinto, kasama ang makeup kit sa kanyang hospital bag

- Ibinahagi ni Angeline Quinto ang laman ng kanyang hospital bag

- Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit niya umanong panganganak

- Maging ang kanyang doktor ay nagulat nang makitang kasama sa kanyang mga dadalhin sa panganganak ay ang kanyang make up kit

- Nais lang daw ni Angeline na magmukha umano siyang presentable sa unang pagkakataon na magkikita sila ng kanyang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Handang-handa na si Angeline Quinto na maari na raw umanong manganak sa mga susunod na linggo.

Angeline Quinto, kasama ang make up kit sa kanyang hospital bag
Photo: Angeline Quinto
Source: Facebook

Dahil dito, inihanda na niya ang mga gamit na kakailanganin nila ng kanyang baby at dala niya ito sa hospital bag.

Mula sa mga damit, lampin at iba pang mga baby needs, nabili na ni Angeline.

At isa sa kanyang hindi malilimutang dalhin ay ang kanyang makeup kit na maging ang kanyang doktor ay nagtaka.

Read also

Francine Diaz, pinag-shopping ang kanyang dalawang malapit na kaibigan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya nais lamang niyang magmukhang presentable sa unang pagkakataong magkikita na sila ng kanyang anak.

Talagang mababakas ang pagka-excited ni Angeline na makapiling na ang kanyang baby boy.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Sa ngayon, lampas na sa isang milyon ang subscribers ng kanyang YouTube channel na Love Angeline Quinto. Mula nang kumpirmahin niya sa publiko ang kanyang masayang pagdadalang-tao, madalas na siyang mag-share ng kanyang pregnancy journey sa kanyang channel.

Read also

Dream room makeover ni Francine Diaz, tinupad ni Karen Davila

Isa rin sa ikinagulat ng lahat lalo na ng kanyang mga ka-twinkle ay ang kanyang jowa reveal kung saan isinapubliko na siya kung sino ang nagpapasaya sa kanyang puso ngayon at ang daddy ng baby sa kanyang sinapupunan.

Marami ang natuwa para kay Angeline lalo na at litaw na litaw ang kasiyahan ng dalawa sa paparating na biyaya sa kanilang buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel