Kim Chiu, masaya sa pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime

Kim Chiu, masaya sa pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime

- Sa muling pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, nagbigay ng mensahe ang kanyang mga kasamahan

- Kabilang si Kim Chiu sa nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa muling pagbabalik ng kanyang ate Anne

- Aniya, masaya siya na sa wakas ay personal niya nang masasabi ang kanyang mga tsika na sa social media niya lang nasasabi

- Masaya din si Anne lalo at may paghuhugatan siya ng energy sa katauhan ni Kim na talaga namang palaging punong-puno ng energy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi maitago ni Kim Chiu ang kanyang tuwa sa muling pagbabalik ni Anne Curtis sa Its Showtime. Aniya, masaya siya na sa wakas ay personal niya nang masasabi ang kanyang mga tsika na sa social media niya lang nasasabi sa kanyang ate Anne.

Kim Chiu, masaya sa pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Para naman kay Anne, ipinapasa niya na umano ang "tinis" trono kay Kim. Ang tinutukoy nito ay ang pagiging matinis ng boses niya. Aniya, mababa na umano ang kanyang boses. Masaya din si Anne lalo at may paghuhugatan siya ng energy sa katauhan ni Kim na talaga namang palaging punong-puno ng energy.

Sagot naman ni Kim, wala man mahugot tungkol sa parenting ay may mahuhugot naman siya umanong energy.

Sa kanyang pagbabalik sa It's Showtime, agad na nag-trending sa Twitter si Anne. Matatandaang mahigit dalawang taon siyang nawala sa noontime show matapos niyang manganak sa panganay nila ni Erwann Heusaff na si Dahlia Amelie. Maging ang iba nilang kasamahan ay di maitago ang tuwa sa muling pagbabalik ni Anne.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang ibinahagi ni Kim kamakailan ang kanyang natanggap na bulaklak at sulat para sa kanyang kaarawan na mula kay Vice President Leni Robredo. Hindi maitago ni Kim ang kanyang tuwa sa natanggap niyang regalo mula kay VP Robredo.

Matatandaang isa lamang si Kim sa mga artistang nagpasyang sumuporta sa kandidatura ni VP Leni. Kamakailan ay dumalo siya sa mismong rally. Naging usap-usapan ang eksena sa backstage matapos mapaluhod ni Kim.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel