MJ Lastimosa matapos mapanood ang pelikulang Barbie: "Sayang 600 ko"

MJ Lastimosa matapos mapanood ang pelikulang Barbie: "Sayang 600 ko"

- Inihayag ni MJ Lastimosa ang kanyang saloobin matapos siyang manood ng pelikulang Barbie

- Para sa Miss Universe Philippines 2014 ay sobrang 'waley' daw ang Barbie movie

- Dagdag pa niya, sayang lang daw ang kanyang nagastos na 600 para makapanuood nito

- Matatandaang naging usapin kung ipagbawal ang pagpapalabas ng naturang pelikula sa Pilipinas dahil sa fictional map na nasa naturang pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay MJ Lastimosa, sobrang waley daw ang Barbie movie. Sa kanyang tweet ay sinabi ng Miss Universe Philippines 2014 na sayang daw ang kanyang P600.

MJ Lastimosa matapos mapanood ang pelikulang Barbie: "Sayang 600 ko"
MJ Lastimosa matapos mapanood ang pelikulang Barbie: "Sayang 600 ko"(@mj_lastimosa)
Source: Instagram
"Sobrang waley ng barbie movie sayang 600 ko haha!"

Matatandaang naging usapin kung ipagbawal ang pagpapalabas ng naturang pelikula sa Pilipinas dahil sa fictional map ng South China Sea na nasa naturang pelikula. Kinalaunan ay napagdesisyunan na hindi naman dapat i ban ang pagpapalabas nito sa bansa. Sa bansang Vietnam ay hindi ito pinayagang maipalabas at na-ban.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kasalukuyan ay binura na ni MJ ang naturang post matapos itong umani ng komento at reaksiyon mula sa mga netizens.

Si Mary Jean Ramirez Lastimosa o mas kilala bilang si MJ Lastimosa ay isang Filipino-Arabian model, host, actress, TV presenter at beauty pageant titleholder. Kinoronahan siya bilang Miss Universe Philippines 2014 at kumatawan sa bansa sa Miss Universe 2014 pageant at nakapasok sa Top 10 semifinalist.

Dumipensa si MJ matapos umani ng reaksiyon ang kanyang komento sa paglalakad ni Miss Universe Thailand Amanda Obdam. Isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan maririnig ang kanyang komentong ginaya umano nito ang lakad ni Catriona Gray. Isa si MJ sa mga naroroon sa mismong venue at nakapanood ng live sa naganap na swimsuit competition ng Miss Universe 2020. Nilinaw naman ni MJ na hindi siya nang-aaway at naghayag lamang siya ng kanyang opinyon base sa kanyang nakita.

Read also

Andrea Brillantes, iniyakan pagkakaroon ng congenital anosmia dahil wala raw itong lunas

Sa kanyang Instagram story ay pabirong tinawag ni Rabiya Mateo ang kaibigang si MJ. Ito ay matapos nitong magbahagi ng suporta kasunod ng kanyang pagkadulas sa stage kaya napaluhod ito. Gayunpaman, hinangaan ng marami si Rabiya kung paano ito bumangon at tumayo sa entablado. Biro pa ni Rabiya, narinig niyang tumatawa si MJ nang madulas siya sa stage.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel