Rabiya Mateo, sinabihan si MJ Lastimosa na "echusera" matapos nitong magpakita ng suporta

Rabiya Mateo, sinabihan si MJ Lastimosa na "echusera" matapos nitong magpakita ng suporta

- Sa kanyang Instagram story ay pabirong tinawag ni Rabiya Mateo ang kaibigang si MJ Lastimosa

- Ito ay matapos nitong magbahagi ng suporta kasunod ng kanyanbg pagkadulas sa stage kaya napaluhod ito

- Gayunpaman, hinangaan ng marami si Rabiya kung paano ito bumangon at tumayo sa entablado

- Biro pa ni Rabiya, narinig niyang tumatawa si MJ nang madulas siya sa stage

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi maipagkakailang si MJ Lastimosa ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Rabiya Mateo sa kanyang mga kapwa beauty queen. Kaya naman, sa kanyang pagpapakita ng suporta kay Rabiya kaugnay sa pagkakadulas nito sa entablado sa kanyang final walk bilang Miss Universe Philippines, biniro siya ni Rabiya.

Rabiya Mateo, sinabihan si MJ Lastimosa na "echusera" matapos nitong magpakita ng suporta
Rabiya Mateo (@rabiyamateo)
Source: Instagram

Sa kanyang huling gabi bilang Miss Universe Philippines, isang paalala ang iniwan ni Rabiya Mateo. Matapos ang kanyang pagrampa sa tribute segment sa Miss Universe Philippines 2021 pageant ngayong Huwebes ng gabi, September 30, nadulas siya at napaluhod habang paalis na sana ng stage.

Read also

Super Tekla, umani ng papuri matapos palagpasin ang dinanas na pamamahiya sa kanya

Gayunpaman, hindi nag-panic ang beauty queen. Bagkus tumayo siya ay humarap muli sa audience. Paalala niya sa mga pageant fans na nanood, "Once you [fall], you have to stand up."

Marami naman sa mga pageant fans ang humanga sa kanyang naging reaksiyon matapos niyang madulas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, tinawag siyang Echusera ni Rabiya dahil narinig umano niya si MJ na tumawa nang madapa siya.

Matatandaang isa si MJ sa nagpakita ng matinding pagsuporta kay Rabiya nang lumaban ito sa Miss Universe pageant sa America. Ito ang lagi niyang nakakasama nang magpaiwan ito doon matapos ang kompetisyon.

Si Rabiya Mateo ay kumatawan sa lungsod ng Iloilo City sa kauna-unahang Miss Universe Philippines pageant na ginanap noong October 24, 2020. Isa si Rabiya sa mga kandidatang may pinakamaraming followers sa Instagram kahit noong nagsisimula pa lamang ang kompetisyon. Sa katunayan ay umabot na ang kanyang followers sa Instagram sa mahigit isang milyon at pinagpasalamat ito ni Rabiya kamakailan.

Read also

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

Ibinahagi naman ng ina ni Rabiya ang mga katangiang mayroon ang anak. Hindi din nito napigilang magsalita laban sa mga bashers ng kanyang anak na kasalukuyang nasa America pa rin.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel