Valentine Rosales, usap-usapan sa kanyang komento sa picture ng Star Magic stars

Valentine Rosales, usap-usapan sa kanyang komento sa picture ng Star Magic stars

- Muling naging usap-usapan si Valentine Rosales matapos mapansin ng netizens ang kanyang komento sa isang Facebook post ng Mega Magazine

- Ito ay picture na kuha mula sa katatapos lang na photoshoot ng Star Magic stars na kinabibilangan nina Jayda Avanzado, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Belle Mariano, Charlie Dizon at Alexa Ilacad

- Sa kanyang komento ay ginaya nito ang mga sinabi ni Andrea sa isang viral video na kuha sa Siargao kamakailan

- Sa mismong Facebook page niya ay binahagi niya ang naturang video at sinabi niyang hindi niya umano kaya yung ganoon ka-ipit na boses

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling napansin ng mga netizens ang online personality na si Valentine Rosales kasunod ng kanyang naging komento sa isang Facebook post ng Mega Magazine. Sa kanyang komento ay ginaya nito ang mga sinabi ni Andrea Brillantes sa isang viral video na kuha sa Siargao kamakailan.

Read also

Vlogger, nag-iiwan ng pera sa iba't ibang lugar para hanapin ng maswerte niyang follower

Valentine Rosales, usap-usapan sa kanyang komento sa picture ng Star Magic stars
Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

Marami ang nag-react at sumagot sa komento niyang ito. Mayroong mga nagtatanggol sa aktres at mayroon namang natawa na lamang.

apos pow Cweam Ow dawawa, yung eto pow yung kwookies and kweam tsaka po tong dew bwerry na blue

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Umabot sa mahigit 1,700 ang reactions sa kanyang komento na sinagot ng 147 na beses ng netizens.

Sa mismong Facebook page niya ay binahagi niya ang naturang video at sinabi niyang hindi niya umano kaya yung ganoon ka-ipit na boses.

HAHAHAHAHA di ko kaya ganto ka ipit na boses. Parang nakaka Cringe

Matatandaang sa kanyang Facebook naunang post, sinabi ni Valentine na sana ay huwag dalhin ang ugali nito sa loob ng club dahil wala umano sila sa boxing arena. Umabot na sa libo-libong shares ang kanyang post kaugnay dito. Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng kanyang kaibigan.

Read also

Viral lolo na bumili ng kotse in cash, naikwento ang simpleng buhay mag-isa

Si Valentine Rosales ay isa sa mga magkakaibigan na nakasama sa pagdiriwang ng bagong taon ng 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera bago siya makitang wala nang buhay sa bathtub ng tinuluyan nilang kwarto sa City Garden Hotel sa Makati noong Enero 1 noong nakaraang taon.

Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, naging usap-usapan din si Valentine sa kanyang kontrobersiyal na post na aniya ay kanyang karanasan sa loob ng isang convenience store sa kasagsagan ng pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon.

Kinalaunan ay inihingi din niya ng dispensa ang kanyang binahaging post na talaga namang umani ng samu't-saring reaksiyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel